Mag-lola na nabigyan ng tulong mula USA, nagbigay ng kamote bilang pasasalamat

Mag-lola na nabigyan ng tulong mula USA, nagbigay ng kamote bilang pasasalamat

- Sa tulong ng vlogger na si Archie Hilario, nabigyan ng tulong ang isang lola na napag-iwanan ng isang taong gulang niyang apo

- Namatay umano ang ina ng sanggol kaya naman naiwan ito sa lola at lolo nitong naghihikahos din sa buhay

- Nabigyan ng isang malaking balikbayan box ang pamilya na puno ng mga imported na pagkain, laruan, pagkain damit at marami pang iba

- Bilang pasasalamat, naisipan ng mag-anak na magbigay ng isang sakong kamote bilang pasasalamat sa tulong na kanilang natanggap

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Masaya ang naging pasko ng lola na si Candida Repolito nang makatanggap ito ng isang malaking balikbayan box na puno ng mga imported na gamit.

Nalaman ng KAMI na sa tulong ng vlogger na si Archie Hilario o mas kilala bilang "Pobreng Vlogger" nabigyan ng tulong si Lola Candida at kanyang pamilya.

Read also

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan

Si Lola Candida ang napag-iwanan ng kanyang isang taong gulang na apo. Namatay kasi ang anak nito kaya walang ibang kukupkop sa sanggol kundi ang lola at lolo nito.

Mag-lola na nabigyan ng tulong mula USA, nagbigay ng kamote bilang pasasalamat
Si Lola Candida Repolito habang iniisa-isa ang mga laman ng balikbayan box na pamasko sa kanila Photo: Screengrab from Pobreng vlogger YouTube channel
Source: UGC

Subalit naghihikahos din sa buhay si Lola Candida at asawa nito kaya naman napakahirap para sa kanila na mag-alaga pa ng apo na kailangan pa ng gatas sa araw-araw.

Kaya namang laking pasasalamat nila na ngayong Kapaskuhan ay mayroong nagpaabot sa kanila ng sandamakmak na tulong.

Naluluha si Lola Candida habang iniisa-isa ang laman ng balikbayan box.

May mga imported na chocolates, damit pambata, imported na sabon at shampoo, mga laruan at mga pagkain ang natanggap ng lola at kanyang pamilya.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi raw maintindihan ni Lola Candida ang kanyang nararamdaman lalo na at unang beses pa lamang daw nilang makatanggap ng ganoon karaming mga biyaya at mula pa sa Amerika.

Read also

Raffy Tulfo, nangakong tututok sa kaso ng mag-inang pinaslang ng pulis sa viral video

Kaya naman bilang pasasalamat, handog nilang mag-asawa ang isang sako ng kamote para sa grupo ng vlogger na siyang naging daan para sila'y matulungan.

Tinatanggihan pa sana ito nina Archie dahil maari pa raw sanang maibenta ng mag-anak ang isang sakong kamote.

Subalit ayon kay Lola Candida at asawa nito, mula raw ito sa kanilang puso kaya naman kahit na kaunti ay tinanggap na rin ito nina Archie.

Bukod sa balikbayan box ay nag-abot din ng tulong pinansyal ang grupo ng Pobreng Vlogger para kina Lola Candida.

Narito ang kabuuan ng video na talaga namang nakakataba ng puso:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Archie Hilario ay isang vlogger sa Aklan at at dating DJ sa Energy FM Radio. Kilala na ngayon siya bilang si "Pobreng vlogger" na tumutulong sa mga kababayan nating naghihikahos sa buhay.

Read also

Pulis sa viral video, dati nang may patong-patong na kaso ayon sa Central Luzon police

Kamakailan ay kinumusta ni Archie ang isang basurero na minsan na nilang natulungan.

Gayundin ang mag-asawa na dating nakatira lamang sa tagpi-tagping bahay na kanilang napatayuan ng maayos na tirahan. Kinumusta nila ito at muling inabutan ng tulong.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica