OFW na di nakauwi dahil sa pandemya, nakapagpatayo naman ng sariling bahay

OFW na di nakauwi dahil sa pandemya, nakapagpatayo naman ng sariling bahay

- Isang OFW ang nakapagpatayo pa rin ng kanyang sariling bahay sa kabila ng pandemya

- Hindi raw kasi siya nakauwi noong 2020 dahil sa kasagsagan ng COVID-19 kaya naman tuloy-tuloy lamang ang kanyang paghahanapbuhay

- Bukod sa bahay, binabayaran na rin niya ang lupang kinatitirikan nito at ang kanilang nakuhang motorsiklo

- Laking pasalamat din umano niya sa kanyang mister na hindi nilulustay ang maski sentimong katas ng pinaghihirapan niya sa pangingibang-bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isa ang kababayan nating si Marivic Sumalinog sa overseas Filipino worker na hindi nakauwi sa bansa noong 2020 dahil sa pandemya.

Nalaman ng KAMI na bagama't hindi niya nauwian ang kanyang pamilya sa Pilipinas ay minabuti naman niyang magpatayo na ng sarili niyang bahay na katas ng 34 buwan niyang walang humpay na pagtatrabaho.

Unti-unti na rin niyang binabayaran ang lupang kinatitirikan ng kanyang bahay upang tuluyan na rin itong mapasa-kanya gayundin ang motor na kanilang kinuha.

Read also

Nag-viral na babaeng sinigawan pa ang nabundol niyang naka-bike, mas nag-sorry pa sa saksi

OFW na di nakauwi dahil sa pandemya, nakapagptayo naman ng sariling bahay
Photo supplied by Marivic Sumalinog
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Malaki rin ang pasasalamat ni Marivic sa kanyang mister na suportado siya sa lahat ng bagay at pinaka-iingatan ang bawat sentimo na kanyang pinadadala lalo na at mayroon silang anak.

Narito ang kabuuan ng kwento ni Marivic na kanyang ibinahagi sa KAMI:

"Flex ko lang ang katas ng paghihirap ko dito sa abroad 34 months na walang uwi dahil sa pandemya kaya tuloy nalang muna ang pangarap.

Yung lupa at motor hindi pa full-paid pero pasasaan ba at mapapasa-akin na rin ang mga iyon.

Kaway-kaway sa mga asawang naiiwan sa Pinas tulad ko na di kaya aksayahin ang sentimo na pinaghirapan ng mga asawa nila na nagtatrabaho sa ibang bansa.

Super proud po ako sa inyo! Mahirap pero para sa mga pangarap, kakayanin! Sana di kay magbabago. Focus lang po tayo sa pangarap natin. Balang araw, makakasama rin natin ang mga mahal natin sa buhay."

Read also

Jelai Andres, ibinahagi ang dinanas na hirap nang tamaan ng COVID-19

OFW na di nakauwi dahil sa pandemya, nakapagptayo naman ng sariling bahay
Ang bahay na naipundar ng OFW sa kabila ng pandemya Photo supplied by Marivic Sumalinog
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isang OFW naman sa Saudi ang masuwerteng naisasama ng kanyang amo sa pagbisita nito sa iba't ibang bansa. Nasa limang bansa na raw ang kanyang napupuntahan na dati ay nakikita laman niya sa mga libro at social media.

Gayundin ang isang OFW na dahil sa maayos na pasahod ng amo na hindi na iba ang turing sa kanya, ay nakapagpundar na rin ng ari-arian.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica