OFW sa Saudi, napakaswerteng naisasama ng amo sa iba't ibang bansa
- Ibinahagi ng isang OFW kung gaano siya kasuwerte sa kanyang naging amo sa Saudi
- Naisasama kasi siya nito sa iba't ibang bansa at sa loob ng dalawang taong paninilbihan doon, nasa limang bansa na ang kanyang nabisita
- Halos hindi makapaniwala ang OFW sa kanyang mga napupuntahan na ayon sa kanya'y sa libro lamang niya noon nakikita
- Laking pasasalamat daw niya na sa kabila ng mga kwento ng ilang kababayan na tulad niyang nasa ibang bansa ngunit napapagmalupitan ng amo, masasabing mapalad siya na hindi niya nararanasan ang mga iyon.
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Ikinuwento ng kababayan nating si Che Borres kung gaano siya kasuwerte sa kanyang amo na naisasama siya sa iba't ibang bansa.
Nalaman ng KAMI na sa loob ng halos dalawang taon nito sa Saudi ay nasa limang bansa na ang kanyang napupuntahan dahil sa kanyang mabait na amo na isinasama siya.
Laking pasalamat daw niya dahil sa kabila ng sobrang pangungulila sa kanyang pamilya na nasa Pilipinas, naiibsan naman daw ito dahil sa kabutihan ng amo na hindi na iba ang turing sa kanya.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Narito ang kabuuan ng salaysay ni Che na kanyang naibahagi sa KAMI:
"Dati nilalaro lang namin ang "London Bridge" noong elementary days pa, di ko akalain na akin pala itong maapakan at mapupuntahan. Ang larong iyon ay naging totoo, nakita ko kung paano mahati ang tulay.
Isa lang naman ang gusto ko noong umalis sa ating bayan, ang magkaroon ng mabuting amo. Pero sobra ang ibinigay sa akin, isang mabait na amo na kaya akong dalhin sa lugar na akala ko sa libro at sa social media ko lang makikita.
Naapakan, kumain, doon nakatulog at nalibot ang limang cities nang Germany, nakatulog sa Amsterdam, kumain sa Dubai at natulog sa Bahrain.
Saudi lang ang nasa kontrata ko pero halos nalilibot ko na ang buong mundo. Kaya sa mga nagsabi na tampalasan ang mga Arabo, nope! 'Wag lahatin kasi ako saksi ako mismo. Gaya din sila sa ating mga Pilipino,may salbahi. Kung ikaw may mabait na amo, swerte ka talaga at mahalin mo sila na parang pamilya mo dahil swertehan lang tayong mga nag-aabroad. Salamat po!"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Tulad ni Edrey, isa ring OFW ang pinalad sa amo na itinuring na rin siyang isang kapamilya. Nang minsang nakita raw siya ng amo na tila malungkot, isinama raw siya nito sa pamimili ng grocery na kalaunan, nalaman niyang para sa kanya pala lahat.
Samantala, isa ring kababayan nating OFW ang nakapagpundar ng bahay at lupa dahil sa maayos na pasahod ng kanyang amo. Minsan ay higit pa sa sahod ang naibibigay nito kaya naman nakaipon siya at nakapagpundar.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh