Vlogger, namahagi ng kanyang "yeyemenin" Christmas baskets

Vlogger, namahagi ng kanyang "yeyemenin" Christmas baskets

- Muli na namang namahagi ng biyaya ang vlogger na si Basel Manadil sa mga kababayan nating walang maayos na tirahan sa Parañaque

- Ilang pamilya sa nasabing lugar ang nakatanggap ng "Yeyemenin" (yayamanin) na Christmas Baskets mula kay Basel

- Tinawag niya itong "yeyemenin" dahil sa mga imported na pagkaing laman nito

- Kasama pa rin niya ang Korean na tinatawag niyang "Abeoji" at masaya silang namahagi ng pamasko

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Muli na namang hinangaan ang pagiging matulungin ng vlogger na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer nang mamahagi siya ng "Christmas baskets" sa mga pamilya walang maayos na tirahan sa Parañaque City.

Nalaman ng KAMI na tinawag pa ni Basel na "yeyemenin" (yayamanin) ang ipinamahaging basket dahil sa karamihan ng laman nito ay imported tulad ng mga canned good at chocolate.

Dimples Romana, naiyak sa sorpresa ng asawang si Boyet Ahmee

Bukod pa rito, sinamahan na rin ni Basel ng gatas at vitamins ang mga food basket na tiyak na makakatulong sa mga kababayan nating naghihikahos.

Vlogger, namahagi ng kanyang "yeyemenin" Christmas baskets

Basel Manadil Photo from The Hungry Syrian Wanderer
Source: Facebook

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Namahagi rin siya ng tsinelas dahil sa napansin niyang karamihan din ng mga pamilya roon ay walang sapin sa mga paa.

Kasama ang kanyang Abeoji, nagtungo mismo si Basel sa lugar kung saan namamalagi ang ilang mga pamilya roon sa mga tagpi-tagping bahay sa gilid ng kalsada.

Kaya naman di na nila pinatagal pa at tinulungan nila ang ating mga kababayang lalong naghirap nang pumutok ang pandemya.

Mababakas sa kanilang mga mukha ang kasiyahan nang matanggap ang mga food basket.

Masaya rin naman ang vlogger na muli siyang nakapagbigay ng tulong sa mga Pinoy na malapit talaga sa puso niya.

Narito ang kabuuan ng video mula sa The Hungry Syrian Wandered YouTube channel:

Michelle Gumabao, kinagiliwan matapos mamagitan kina Herlene at Miss Manila

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na vlogger na piniling manirahan sa ating bansa.

Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na at itinuturing na niyang pangalawang tahanan ang Pilipinas. Bukod sa pagiging vlogger, isa ring restaurant owner si Basel na may-ari ng YOLO.

Kamakailan ay natulungan din ni Basel ang mga kababayan natin sa Cagayan, Isabela, Rizal at Marikina na labis na nasalanta ng Bagyong Ulysses.

Gayundin ang isang basahan vendor na nag-viral at talagang hinanap niya talaga ang kinaroroonan nito maabutan lang ng tulong at biyaya.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel