Pari na nagdiwang ng Bagong Taon kasama ang mga tao sa ilalim ng tulay sa QC, viral
- Humanga ang marami sa isang pari na nagdala ng makakain at sinaluhan ang ilang mga tao sa ilalim ng tulay sa Congressional Ave. sa Quezon City
- Dinala niya ang pinakamasarap na tinapay na kanyang natanggap at nagdala rin ito ng wine na pinagsaluhan nila ng kanyang mga nadatnan
- Pinagsilbihan niya rin ang mga ito tulad ng paghahati at pamamahagi ng tinapay at pamimigay ng maiinom
- Nagpasalamat naman ang mga taong kanyang nakasalo na tila hindi inakalang makikisalo sa kanila ang pari sa pagbubukas ng taong 2021
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nakakataba ng puso ang ginawa ng pari na si Fr. Danny Pilario kung saan pinili nitong magdiwang ng Bagong Taon kasama ng mga tao sa ilalim ng tulay ng Congressional Avenue sa Quezon City.
Nalaman ng KAMI na nagdala ang pari ng marasap na tinapay na kanyang natanggap at sparkling wine sa mga nadatnang tao sa ilalim ng tulay.
Kahit na nasa lapag lamang, ipinaghati ni Fr. Danny ang mga tao at binigyan niya ang mga ito ng tinapay.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Pinagsilbihan niya ang mga tao at binigyan din ng wine na kanilang maiinom.
Kitang-kita sa mga ngiti ng taong nakasalo ng pari ang saya at mapapansin ding tila hindi sila makapaniwala sa ginawa sa kanila ng pari.
Narito ang mga larawang kuha ni Evalor Rivera at kabuuan ng post na ibinahagi ng Katoto kay Kristo:
Samantala, nagalak din ang mga netizens sa ginawa na ito ng pari na nararapat lamang daw na pamarisan ng marami.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Nakakaiyak naman, nakisalamuha talaga siya sa mga taong lansangan na walang handa sa media noche. Thank you fr.!"
"Ngayon lang ako nakakita ng pari na ganyan ang ginagawa sa mga kapatid sa pananampalataya"
"Napakabuti niyo po father, tularan po sana kayo ng marami, nakaka-inspire po ang ginawa niyo"
"Dinalhan ng makakain at pinagsilbihan pa ang mga kasalo niya sa media noche. Nakakataba po ng puso ang ginawa niyo father, sana minsan mabigyan din ako ng pagkakataong makagawa ng ganyan"
"Ito iyong tinatawag na 'walk the talk' pinakita niyang pwede tayong tumulong sa kung anuman ang meron tayo kahit hindi yung sobra kundi yung maibabahagi natin sa kung ano ang ating nakayanan"
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Sa panahon ngayon kung saan sinusubok tayo ng pandemya, nakakatuwa pa ring isipin na namumutawi naman sa atin ang pagiging likas na matulungin.
Tulad na lamang ng isang lolo na nagtitinda ng tinapay sa tulay sa North Edsa na dahil sa viral post ng isang nagmalasakit sa kanya, dinagsa siya ng tulong.
Gayundin ang isang matandang nagkaroon ng mild stroke ngunit naglalako pa rin ng basahan na matapos ding mag-viral ang video ay naabutan ng tulong bago sumapit ang Kapasukuhan.
Ilan lamang ito sa patunay na likas na mapagmalasakit sa kapwa ang mga Pilipino kahit pa ito ay sa oras na ng kagipitan.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh