64-anyos na taho vendor, muling nag-viral dahil sa kasipagan sa kabila ng pandemya

64-anyos na taho vendor, muling nag-viral dahil sa kasipagan sa kabila ng pandemya

- Muling nag-viral ang taho vendor na si Felix Endrina dahil sa post ng isang netizen na humanga sa kanyang kasipagan

- Matatandaang nakilala si Mang Felix dahil sa kakaibang diskarte niya ng paglalako ng taho sa mga party at iba pang mga pagtitipon

- Kung wala raw kasi siyang booking, matiyaga siyang naglalakad para makapaglako pa rin ng taho

- At ngayong pandemya, lalo na noong lockdown, kung saan saan pa rin umano siya nakakarating sa paglalako upang mayroon siyang maipangtustos sa kanyang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Agaw-eksena sa social media ang kakaibang diskarte ng 64-anyos na taho vendor na si Mang Felix Endrina.

Nalaman ng KAMI na isang netizen ang humanga sa kasipagan ng magtataho na nakasakay umano niya sa bus.

Ayon kay Mika Santos, ang nagbahagi ng viral post nitong Kapaskuhan, napansin nila ang flyer ng taho at doon kinausap na rin sila ni Mang Felix na ibahagi ang kanyang impormasyon upang magkaroon siya ng booking.

Read also

Vendor ng mani, napaiyak matapos matangay ng hold-upper ang kanyang pinaghirapan

64-anyos na taho vendor, muling nag-viral dahil sa kasipagan sa kabila ng pandemya
Photo from Felix Endrina
Source: Facebook

Bukod kasi sa paglalako sa kalsada ay maaari rin siyang makuha para mag-supply ng taho sa mga party at iba pang mga pagtitipon.

Malaki raw ang kitaan sa ganoon lalo na at may mga nagbibigay pa umano sa kanya ng mga tip.

Ngunit kung walang booking lalo nga ngayong limitado ang mga pagtitipon, matiyaga siyang naglalakad para lamang maglako.

Sampu ang anak ni Mang Felix na kanyang naitaguyod sa pagbebenta ng taho sa loob ng halos tatlong dekada na.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Kahit ngayong pandemya, matiyaga pa rin siyang naglalako lalo na at ilan sa kanyang mga anak ay nawalan ng trabaho.

Maging noong panahon ng lockdown sa Metro Manila ay matiyaga niyang binabaybay ang mga kalsada na kahit mula Caloocan hanggang Pasay ay nagagawa niyang lakarin.

Tunay na kahanga-hanga ang ipinakikitang kasipagan ni Mang Felix na nararapat lamang na pamarisan ng marami.

Read also

Roxanne Barcelo, kinuwento ang ilang detalye tungkol sa kanyang pagpapakasal

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, isang taho vendor din ang hinangaan ng marami dahil sa kabila ng mabigat na lagayan ng paninda na kanyang dala ay pasan din niya ang kanyang isang taong gulang na anak. Matapos mag-viral ng kanilang larawan ay dinagsa sila ng tulong.

Gayundin ang isang 72-anyos na taho vendor na dahil sa kanyang mga nagmamalasakit na suki, nabigyan ito ng tulong ni Raffy Tulfo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica