72-anyos na taho vendor, emosyonal nang matanggap ang tulong ni Raffy Tulfo

72-anyos na taho vendor, emosyonal nang matanggap ang tulong ni Raffy Tulfo

- Naluha sa sobrang saya ang 72-anyos na taho vendor sa Cavite nang matulungan ito ni Raffy Tulfo

- May mga suki siya na nagmalasakit na idulog kay Tulfo ang kalagayan ng matanda dahil nakikita nilang nahihirapan na ito sa paglalako

- Bagaman at nagtataho na rin ang mga apo ng taho vendor, di pa rin siya tumitigil sa paglalako dahil doon daw siya lumalakas

- Bukod sa e-bike at pampuhunan, nabiyayaan din ang matanda ng mga pamasko nito maging para sa kanyang mga apo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nabiyayaan ng tulong ang 72 anyos na taho vendor na si Mario Cunanan na mula sa Cavite.

Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang mga suki ni Tatay Mario na sina Jane Tan at Aimeelyn del Rosario upang matulungan ang matanda.

Kwento ng mga suki, bata pa lamang sila ay nakikita at nabibilhan na nila ng taho si Tatay Mario. Napansin ng mga ito na dala ng edad ng matanda, hirap na ito na magbuhat ng paninda at maglakad habang naglalako.

42 taon na itong naglalako na siya ng pangunahing pinagkukunan nila ng panggastos sa araw-araw.

Nalaman ng KAMI na ayaw ding umasa ni Tatay Mario sa kanyang mga anak na hirap din sa buhay.

Kasama din naman ng lolo ang kanyang mga apo kung saan ang dalawa sa mga ito ay naglalako na rin bilang pandagdag sa mga gastusin nila sa bahay.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Dahil dito, binigyan ng programa ni Tulfo si Tatay Mario ng e-bike na maari niyang magamit sa pagtitinda. Malaking kaginhawahan ito para sa kanya lalo pa at ayaw pa naman niyang tumigil sa paghahanapbuhay.

Naluha ang matanda dahil bukod sa e-bike, binigyan pa siya ni tulfo ng pang-puhunan at mga pagkain nila para sa Noche Buena.

Ipinamili rin ang mga apo ni lolo ng ilang kagamitan kaya naman masasabing masaya silang nagdiwang noong pasko.

Laking pasalamat din ni Tatay Mario kina Jane at Aimeelyn na naging mga instrumento upang maibsan ang hirap niya sa pagtitinda ng taho.

Narito ang kabuuan ng video:

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel