Donita Nose, napatili sa kilig sa pag-amin ng dating asawa ni Super Tekla

Donita Nose, napatili sa kilig sa pag-amin ng dating asawa ni Super Tekla

- Sa isang panibagong video ay nakasama ng tambalang DonEkla ang mag-ina ni Tekla na sina Airene at Aira

- Habang sila ay kumakain, si Donita Nose ang nagsilbing tagatanong sa tatlo tungkol sa ilang personal na bagay

- Hindi naman napigilan ni Donita na mapatayo at mapatili nang aminin ni Airene na na-miss niya din minsan si Tekla

- Gayunpaman, nilinaw nina Tekla at Airene na magkaibigan sila para sa kanilang pagpapalaki sa kanilang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa isang video para sa pagdiriwang ng bagong taon, magkasamang kumain sina Donita Nose, Super Tekla at ang mag-inang Aira at Airene. Si Airene ang dating karelasyon ni Tekla at ina ni Aira.

Kwento ni Donita, nasaksihan niya kung gaano naging matiyaga at maasikasong partner noon si Airene sa kaibigan noong hindi pa sila naghiwalay.

Ilan sa mga napag-usapan nila ay ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noon.

Meryll Soriano, pinakilala ang anak kay Willie Revillame

Aminado naman si Tekla na siya umano ang dahilan ng kanilang paghihiwalay noon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Para sa anak nilang si Aira, gusto niyang magkabalikan ang kanyang mga magulang. Gayunpaman, nilinaw nilang magkaibigan na lamang sila at masaya silang maayos ang kanilang samahan para maibigay nila ang mga pangangailangan ni Aira.

Pinasalamatan ni Airene si Tekla dahil sa paghanap umano nito ng paraan para makapag-reach out sa kanila sa kabila ng kanilang paghihiwalay noon.

Donita Nose, napatili sa kilig sa pag-amin ng dating asawa ni Super Tekla

Super Tekla (SuperTeklah Librada)
Source: Facebook

Pinasalamatan din ni Tekla si Airene na hindi nito hinayaang madama ng anak nila ang kanyang pagkukulang bilang ama.

Matapos naman hipan ang cake para sa kanyang kaarawan, isang pag-amin ang binitawan ni Airene na dahilan para mapatayo at kiligin si Donita.

Inamin nitong na-mi-miss niya minsan si Tekla.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Video ng madamdaming libing ng mag-inang Gregorio, ibinahagi ng RTIA

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Kamakailan lamang ay pinabinyagan ni Tekla ang anak sa kanyang dating kinakasamang si Michelle Banaag. Dumalo din ang panganay na anak niya na si Aira sa binyag ng anak na si Baby Angelo.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel