Muling pagkikita nina Super Tekla at kanyang unica hija, umantig sa mga netizens

Muling pagkikita nina Super Tekla at kanyang unica hija, umantig sa mga netizens

- Ibinahagi ni Super Tekla ang video ng muling pagkikita nila ng kanyang anak na si Aira

- Sinundo niya ito kamakailan sa airport nang lumuwas ito galing sa Negros

- Bukod sa kanilang kulitan, naantig ang mga netizens sa mahigpit na yakapan ng mag-ama nang muli silang magkita

- Pinaayos din ni Tekla ang buhok ng kanyang anak at dinala sa gusto nitong kainan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Sa kanyang YouTube channel, ibinahagi ni Super Tekla ang muli nilang pagkikita ng anak na si Aira. Sinundo niya ito sa airport nang lumuwas ito sa Maynila kamakailan mula sa probinsya.

Kapansin-pansin ang matagal at mahigpit na yakapan ng mag-ama nang magkita silang muli matapos ang mahabang panahon.

Pagkatapos nilang makapagpahinga, isinama ni Tekla ang anak upang paayusan. Dinala niya ito sa isang salon at pinagupitan.

Read also

Mag-inang Julia at Marjorie Barretto, kumasa sa lie detector challenge

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Muling pagkikita nina Super Tekla at kanyang unica hija, umantig sa mga netizens
Photo from Super Tekla (@superteklahlibrada)
Source: Instagram

Pagkatapos ay dinala din ito ni Tekla sa kainan na gustong puntahan ng anak.

Narito ang reaksiyon ng mga netizens na naantig sa muling pagkikita ng mag-ama:

Such a loving father, I’m so glad seeing you together with your lovely daughter! Have a Wonderful Christmas Tekla.
That father and daughter hugs made me cry i’m so jealous. Never had a good relationship to my dad, same as Aira laking grandparents ako.
Aira is a living testimony how good Tekla is as a person. What a great dad and well-mannered daughter. Aside from her own parents, let's give credit of course to the grandparents for the job well done of raising this beautiful kid.

Sa kabila ng mga nangyari kay Tekla simula nang makaladkad siya sa kontrobersiya kaugnay sa reklamo ng dating ka-live-in partner na si Michelle, naging sunod-sunod ang biyayang dumating sa kanya.

Read also

Sarah Geronimo, ibinahaging dalawang beses nag-propose noon si Matteo Guidicelli

Kabilang na dito ay ang paglago ng YouTube channel nila ng kaibigang si Donita Nose. Bukod dito ay lumaki rin ang bilang ng kanyang subscribers sa sarili niyang YouTube channel.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Si Super Tekla ang isa sa mga sikat na komedyante ng GMA network. Dahil sa angking galing sa pagiging isang stand-up comedian, naging bahagi siya ng programang 'The Boobay and Tekla Show' at maging ng patok na Kapuso variety and game show na "Wowowin".

Matatandaang matapos magsalita ng ilang tao na malapit kay Tekla tungkol sa akusasyon ng dating kinakasama, naglabas ng kanyang panig ang komedyante. Pinasinungalingan nito ang paratang ni Michelle.

Upang mapatunayan na totoo ang kanyang mga alegasyon, handa umano siyang sumailalim sa lie detector test at pagsusuri kung siya ay gumagamit pa ng pinagbabawal na gamot.

Read also

Miss Manila at ‘Sexy Hipon’ Herlene, mainit ang naging sagutan sa ‘Tutok to Win'

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel