Basurang di nakokolekta sa Tanza na inabot na ng taon, inaksyunan ni Raffy Tulfo

Basurang di nakokolekta sa Tanza na inabot na ng taon, inaksyunan ni Raffy Tulfo

- Inaksyunan ni Raffy Tulfo ang reklamo ng isang residente sa isang subdivision sa Tanza, Cavite na hindi umano nahahakutan ng basura

- Anim na buwan na umanong hindi nakokolekta ang basura roon at mayroon pang bahagi ng subdivision kung saan taon ang inabot ng tambak na basura

- Dahil dito, ilang residente na raw ang napipilitan umano na sunugin na lamang ang kanilang basura habang ang ilan naman ay pinaaanod na lamang ito sa ilog

- Nang malaman ng kinauukulan na nagpa-Tulfo ang residente, kahit araw ng Pasko ay nagpadala umano ang mga ito ng 12 na garbage truck upang mahakot na ang basura sa naturang subdivision

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Humingi na ng tulong sa Raffy Tulfo in Action (RTIA) ang residente ng Belvedere subdivision sa Tanza, Cavite dahil sa hindi umano nahahakutan ng basura ang kanilang lugar sa loob ng anim na buwan na.

Read also

2 pulis Baguio, suspek sa pagdukot na nakunan ng video at pagpaslang sa isang lalaki

Nalaman ng KAMI na nabanggit na ng nagrereklamo na si Arjay Punzalan na mayroon pang mga lugar sa kanilang subdivision na taon na umano ang inabot at hindi nakokolekta ng mga basurero ang kanilang santambak nang basura.

Dahil dito, napipilitan na umano ang ilang residente na sunugin ang kanilang basura imbis na muli na lamang na matambak at magtiis sa masangsang na amoy nito.

Basurang di nakokolekta sa Tanza na inabot na ng taon, inaksyunan ni Tulfo
Photo from Raffy Tulfo in Action
Source: Instagram

Ang ilan, naisipan nang ipaanod sa ilog ang basura sa tagal na hindi nakokolekta.

Nang tanungin sa kinauukulan ang dahilan, wala raw umanong dump site na maaring pagtapunan ng basura na mula sa kanilang subdivision.

Hangga't hindi pa naisasa-ere sa RTIA ang reklamo ni Arjay, patuloy pa rin ang kanyang post sa social media dahilan upang makarating sa kinauukulan ang kanyang reklamo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang malaman daw ng mga ito na naipaabot na sa programa ni Tulfo ang sitwasyon sa Belvedere ay agad na nagpadala ng 12 mga garbage trucks ang kanilang lokal na pamahalaan kahit pa ito ay araw ng Pasko.

Read also

Dialysis patient na inagawan ng asawa ng kanyang nurse, natulungan ni Raffy Tulfo

Kung hindi pa raw kasi nakarating ng Tulfo ang sitwasyon, hindi ito magagawan ng aksyon na labis nang nakababahala dahil umabot na ng taon.

Nangako naman si Tulfo na muli nilang babalikan ang sitwasyong ito upang masiguro na magiging regular na ang koleksyon ng basura sa lugar lalo na malapit na ang bagong taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Raffy Tulfo ay isa sa mga batikang broadcast journalist sa bansa. Mas nakilala siya bilang "Hari ng public service" sa programa niyang 'Wanted sa Radyo'.

Pinangungunahan din niya ang dalawa pang programa sa TV5 na 'Idol in Action' at 'Frontline Pilipinas'. Kilala rin siyang YouTuber sa bansa kung saan mahigit 17.4 million na ang subscribers ng channel niya na 'Raffy Tulfo in Action'.

Kamakailan natulungan din ni Tulfo ang pamilya ng mag-inang Gregorio na napaslang umano ng kapitbahay na pulis sa Paniqui, Tarlac.

Read also

Parol maker, naiyak at di na kukunin ng buyer ang mga order na nagkakahalagang ₱100,000

Nangako si Tulfo na isa siya sa mga tututok sa kaso upang makamit ang hustisya sa pamamaslang sa mag-inang Sonia at Frank Anthony Gregorio.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica