Black wedding gown ng bride, nagpa-wow sa maraming netizens

Black wedding gown ng bride, nagpa-wow sa maraming netizens

- Hinangaan ng marami ang 'December bride' na nagsuot ng black gown sa kanyang kasal

- Taliwas sa paniniwala ng ilan na hindi maaring magsuot ng itim sa kasal, pinahintulutan umano sila ng simbahan na magsuot ng black wedding gown para sa bride

- Ipinaliwanag din sa kanila ng parish priest na wala umanong nasusulat na puti lamang dapat ang wedding gown ng mga ikinakasal

- Nakamamangha rin ang paliwanag ng groom sa kanilang konsepto na ito at masaya nilang natupad ang kagustuhan nilang itim ang isuot sa mahalagang araw ng kanilang pag-iisang dibdib

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Viral ang kasalan nina Daryl Mosquera-Jetonzo at Gerald Paul Jetonzo na ginanap noong Disyembre 12 sa Miraculous Medal Parish sa Calumpang, Iloilo City.

Agaw-eksena kasi ang nakakamanghang kasuotan ng bride kung saan itim ang kanyang napiling kulay para sa kanyang wedding gown.

Read also

"I Don't Care" ng 2NE1, nag-trending dahil sa viral video ng pulis at mag-ina

Nalaman ng KAMI na gustong-gusto talaga nina Daryl at Gerald ang pagsusuot ng tim na damit. Kaya naman kahit sa mahalagang araw ng kanilang pag-iisang dibdib, ito na rin ang naisip nilang kulay ng wedding gown na hindi talaga pangkaraniwan sa mga ikinakasal.

Black wedding gown ng bride, nagpa-wow sa maraming netizens
Bride in Black; Daryl Mosquera-Jetonzo Photo by Anthony Jimoga-on
Source: Facebook

"Why black? Well, aside from the fact that we love wearing black, my faith in God is stronger than your belief. We can never have the strength to fight the battles we had for 8 years if we didn’t put God in our relationship,” ayon sa groom.

Dagdag pa nito, pinahintulutan naman sila ng parish priest ng simbahan kung saan sila ikinasal.

"We asked permission from the parish priest para sa black wedding dress po. Sabi nya: Hindi naman talaga naka specify sa Canon Law of the Catholic Church, particularly in the General Instructions of the Roman Missal (GIRC) na white lang dapat ang wedding dress. Sabi ng parish priest namin, technically we were allowed to wear black wedding dress, basta we shall live on our Holy Vows and hindi kami maghihiwalay," kwento ni Gerald.

Read also

Ina sa viral video ng pamamaril ng pulis, hinangaan ng mga netizens

Maging ang designer ng wedding gown na si James A. Roa ay labis na nasiyahan sa napakagandang kinalabasan ng suot ng kanyang tinawag na "Black Bride."

"Thank you so much for the amazing experience lovely couple! Truly love has no definite color, even the darkest shade will lighten up for the unconditional and genuine love that exudes in your lovely souls is very evident. Congratulations and best wishes my Black Bride. Humbled to create your dream wedding gown," pahayag ng designer.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan sa mga nakamamanghang kuha ng photographer na si Anthony Jimoga-on:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral din ang larawan ng newlyweds dahil sa sweet caption ng kanilang post.

Read also

Miss Manila at ‘Sexy Hipon’ Herlene, mainit ang naging sagutan sa ‘Tutok to Win'

Agaw-eksena rin ang larawan ng bride at groom na lumusong sa rumaragsang tubig baha matuloy lamang ang kanilang kasal.

Ilan lamang ito sa patunay na sa kabila ng pandemya, walang makapipigil sa pag-iisang dibdib ng mga magkasintahang nais na pagtibayin ang kanilang pagsasama at itinuloy pa rin ang kanilang kasalan.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica