Larawan ng bride at groom, viral dahil sa 'sweet caption' nito

Larawan ng bride at groom, viral dahil sa 'sweet caption' nito

- Nag-viral ang simpleng larawan ng bride at groom dahil sa caption na kasama nito

- Ang groom pa ang nagbahagi ng larawan at naglagay ng caption na umantig sa puso ng maraming netizens

- Patunay lamang daw ito ng totoong pag-iibigan ng dalawa na pinag-uusapan na ngayon ng marami

- Magsilbing halimbawa raw ito sa mga mag-asawa ngayon na nadadalas na ang hiwalayan kahit sa simpleng hindi pagkakaintindihan lamang

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Larawan ng bride at groom, viral dahil sa nakaktunaw ng pusong caption nito

Photo from Pixabay
Source: Facebook

Agaw eksena sa social media post ni Ian Miguel Estrimera kung saan ibinahagi niya ang wedding photo nila.

Nalaman ng KAMI na isa lamang itong makulit na kuha nila ng kanyang bride sa mismong simbahan kung saan ginanap ang kanilang pag-iisang dibdib.

Sa unang tingin, simpleng litrato lamang ito ng dalawa ngunit labis na tumatak sa puso ng netizens ang caption ng larawan na isinulat ni Ian.

Raffy Tulfo, pinangaralan ang babae sa viral video na sinigawan pa ang lalaking nabundol niya

"I married the woman who stood by me when I only have a 100 peso bill left for a barbecue dinner," ang kasama ng larawan sa kanyang facebook post.

Umantig ito sa damdamin ng marami at nagpapatunay lamang na nahanap na umano ni Ian ang babaeng hindi siya iiwan anuman ang kalagayan niya sa buhay.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Narito ang ilan pa sa mga komento ng mga netizens na kinilig at napa-sana all nang makita ang larawan ng bagong kasal:

"Yung test of loyalty ng mga babae ay yung guy ay really broke, pero sana huwag magbago yung guy 'pag dumating sa kanya yung test of loyalty niya na marami na siyang pera."

"For richer or for poorer, for better or worst, til death do us part... Pinanindigan na agad iyon ng girl"

"You can earn money but its difficult to find a person who will stay in the worse situation in your life."

Video ng lalaking nagkape at tumambay sa labas sa kasagsagan ni "Rolly", viral

"A rare photo of a woman, na di pera ang habol sa Guy. Salute"

"Sana all may taong iintindi sayo kapag walang wala ka na at handang tulungan ka sa oras ng kagipitan at wala ka ng pera

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kamakailan ay nag-viral naman ang larawan ng isang bride na ipinakita ang tinawag niyang "new normal wedding" kung saan, thermal scanner agad ang bumungad sa kanya sa pagbukas ng pinto ng simbahan bago siya palakarin papuntang altar.

Sa kabila kasi ng banta ng pandemya, pinahihintulutan pa rin ang mga nais magpakasal sa kondisyon na susunod ang mga ito at ilang dadalo sa safety protocols.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel