Souvenir sa binyag, pinagkaguluhan online dahil sa ipinaglalaban ng nagpagawa nito
- Viral ang post ng isang netizen patungkol sa reklamo umano ng naging customer niya na nagpagawa ng souvenir para sa binyag ng anak nito
- Mapapansing mayroong "s" matapos ang apelyido ng bata upang maipakita kung kaninong binyagan ang dinaluhan
- Giit ng customer, wala naman umanong "s" ang kanilang apelyido at pilit pinatatanggal sa pinagpagawan niya nito
- Matiyagang ipinaliwanag ng gumawa ang rason kung bakit kailangang mayroon "s" sa apelyido subalit tila di pa rin ito naunawaan ng customer
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Agaw-eksena sa social media ang post ni Trisha Garcia De Leon patungkol sa kanyang customer na pilit na ipinababago ang nagawa niyang souvenir para binyag ng anak nito.
Nalaman ng KAMI na ipina-check pa ni Trisha ang kanyang ginawa sa customer at makikita sa kanilang conversation na pumayag na ito sa disenyo at nakasulat doon.
Subalit biglang napansin nito ang letrang "s" matapos ang kanilang apelyido kaya naman pilit niya itong pinatatanggal kay Trisha.
Ipinaliwanag ng gumawa na kaya mayroon itong "s" sa huli ay upang mabigyan ng indikasyon kung kaninong binyagan ang nadaluhan ng mga bisita.
Sa wikang ingles, nilalagyan ng '"s " ang salita upang maipakita ang pag-mamay-ari.
Ngunit tila hindi pa rin ito naintindihan ng customer. Sa kanya di umanong pagkakaunawa, nilalagyan ng "S" sa huli ng salita kung ito ay maramihan na.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Humaba ang kanilang usapan dahil pilit na ipinaliliwanag ni Trisha na mali kung tatanggalin niya ang 's' sa souvenir.
Mas lalo kasi silang mapupuna kung susundin niya ang kagustuhan ng customer gayung alam naman niyang hindi ito tama.
Ang masaklap, umabot pa rin sa pasaringan ang diskusyon ng dalawa sa social media dahil sa hindi nila pagkakaunawaan sa letrang 's' sa apelyido.
Narito ang kabuuan ng viral post ni Trisha:
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Samantala, isang birthday greeting ang nag-viral din kamakailan dahil sa kakaiba nitong gimik na animo'y pinaghahanap at nawawala ang nagdiriwang ng kaarawan.
Mabilis ding nag-viral ang bagong advertisement ng RC Cola na muli na namang gumawa ng ingay sa social media dahil sa kakaibang konsepto tulad nang nauna nilang nailabas nitong lamang Nobyembre.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh