Foundation ng mga lolo at lola na binaha sa Marikina, humihingi ng tulong
- Humihingi na ng saklolo ang Josefheim Foundation sa Marikina na isa sa mga labis na naapektuhan ng Bagyong Ulysses
- Matatandaang sila ang nakunan ng larawan noong kasagsagan ng bagyo sa bubungan kung saan ilang matanda ang inilikas at dinala nila sa bubungan ng kanilang tirahan
- Sa ngayon, nasa evacuation center pa rin sila kung saan walang maayos na tulugan at walang sariling palikuran ang mga matatandang karamihan ay naka-wheelchair pa
- Hiling sana nila na makahanap ng lugar na hindi madalas na mabaha dahil sa tindi ng sinapit nila noong Bagyong Ulysses na ayaw na sana nilang maranasan muli ng kanilang mga inaalagaan
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nananawagan na ng tulong ang Josefheim Foundation na isa sa mga labis na naapektuhan ng baha bunsod ng Bagyong Ulysses noong Nobyembre 12.
Nalaman ng KAMI na ang Josefheim Foundation ay ang mga kumukupkop at kumakalinga sa mga lolo at lola na may sakit at wala nang nag-aalaga.
Sa ulat ni Jervis Manahan ng Headline Pilipinas, ipinakita nito ang kasalukuyang kalagayan ng mga matatanda sa isang evacuation center sa Marikina.
Hindi pa rin kasi makabalik ang mga ito sa kanilang tirahan sa Provident village na halos nalimas ang mga gamit na nalubog sa baha.
Matatandaang sila ang mga matatandang nakunan pa ng larawan na inililikas sa bubong ng Foundation sa kasagsagan ng bagyo.
Kwento ng isa sa mga caretaker mayroon pa raw kasing ayaw na lumikas kahit na tumataas na ang baha noon.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Subalit nang mabilis na umakyat na sa ikalawang palapag ang tubig, napilitan silang sirain ang butas na para sana sa aircon para lang makapanhik sila at maligtas.
Nanawagan naman si Fr. Dari Dioquino ng naturang Foundation sa sinuman ang may mabuting kalooban na magbibigay pansin sa kanilang mga pangangailangan.
Walang maayos na higaan sa evacution center ang mga matatanda at wala rin silang sariling palikuran na bahagyang nagpahirap sa kanilang sitwasyon.
Bagaman at nakatatanggap sila ng donasyong pagkain at tubig, mas kailangan na raw ng mga lolo at lola na mailagak sa maayos na tirahan lalo na at karamihan sa kanila ay mga naka-wheelchair na.
Nais sana ni Fr. Dari na ang malilipatan nila ay hindi na bahain upang hindi na maranasan muli ng kanilang mga inaalagaan ang panganib na dala ng bagyo at pagtaas ng tubig.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa ang Marikina City sa labis na naapektuhan ng Bagyong Ulysses dahil nalubog na naman sila sa matinding pagbaha tulad nang nangyari sa kanila noong Bagyong Ondoy taong 2009.
Sa naunang ulat ng KAMI, bagaman at nakaligtas ang lolo na nakunan ng larawan na nailikas sa bubong ng isang bahay sa Marikina, pumanaw na rin ito ilang araw matapos ang insidente dahil daw sa pneumonia.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh