Lolo na nakunan ng larawang nasa bubong sa kasagsagan ni Ulysses, pumanaw na

Lolo na nakunan ng larawang nasa bubong sa kasagsagan ni Ulysses, pumanaw na

- Makalipas lamang ang ilang araw mula nang makunan ng larawan na nasa bubong ng kanilang shelter sa Marikina, pumanaw na si Lolo Carlito

- Isa siya sa 18 na mga lolo at lola sa home for the aged na binaha sa Marikina dahil sa Bagyong Ulysses

- Dala marahil ng matinding lamig at pagkababad sa ulan, nagkaroon ng pneumonia si Lolo Carlito at kalaunan ay binawian din ng buhay

- Marami ang nalungkot sa pagpanaw ng matanda at hangad naman ng netizens na matulungan ang 17 pang mga naiwan ni Lolo Carlos na kasama niya noon sa shelter

Lolo na nakunan ng larawang nasa bubong sa kasagsagan ni Ulysses, pumanaw na

Loloo Carlito (Photo from Sean Gozar's Facebook)
Source: Facebook

Nailikas man sa matinding pagbahang naganap sa Marikina City noong November 12 dahil sa Bagyong Ulysses, sumakabilang buhay na rin si "Lolo Carlito."

Nalaman ng KAMI na si 'Lolo Carlito' ang matandang nakunan ng larawan na nasa ibabaw ng bubong nang ilikas sila ng kanyang mga kasama sa tinutuluyan nilang 'home for the aged.'

'Kalayaan Tree' sa tabi ng Barasoain Church, naputol dahil sa Bagyong Ulysses

Kinumpirma ni Sean Gozar ang nakakalungkot na balita na bagaman at nakaligtas sa Bagyong Ulysses na naging sanhi ng matinding pagbaha sa Marikina ay papanaw din pala ang matanda.

"UPDATE Lolo Carlito passed away yesterday due to pneumonia (unconfirmed). He left 17 lolos and lolas from the shelter that also need assistance," ang bahagi ng post ni Sean.

Bagaman at hindi pa tiyak kung pneumonia nga ba ang ikinamatay ng lolo, malaki naman ang posibilidad na humina ang resistensya nito dahil sa lamig at pagkakabilad sa ulanan ng ilang oras dahil sa bagsik ni "Ulysses."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Marami ang nalungkot sa sinapit ng lolo subalit hangad naman nilang matulungan ang iba pa nitong mga kasama sa shelter na pansamantalang nakalagak sa Tañong Elementary School, Lopez Jaena St, Marikina.

Ang masaklap pa sa nangyari, hindi na rin sila makababalik agad sa shelter dahil sa tindi ng sira dala ng pagbaha.

Tinutuluyan nina Vice Ganda at Ion Perez sa Balesin island, nawasak ng Bagyong Ulysses

"Wala po talagang naisalba na kahit anong gamit. There are only limited caretakers and they prioritized na dalhin sa taas ng bubong ang mga lolo and lola. Now, they can’t go back to their house in Provident Village because it is impossible to still live there," ayon pa kay Sean.

Isa sa hiling nga mga matanda ay ang maayos na mahigaan lalo na at sa mesa, upuan o maging sa lapag o sahig lamang sila nagpapahinga.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nobyembre 11 ng gabi nang humagupit ang Bagyong Ulysses sa bansa. Dahil sa walang tigil na pag-ulan na inabot pa kinabukasan, isa ang Marikina City sa labis na binaha.

Kwento pa ng ilang mga residente roon, tila naranasan muli nila ang labis na pagbahang sinapit nila noong 2009 dahil sa Bagyong Ondoy.

Lalaking dinala sa QC para magtrabaho, naging palaboy nang iwan ng mga kasama

Tulad ng Marikina, labis ding naapektuhan ang ilang bahagi ng probinsya ng Rizal.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel