SM MoA, pinabulaanan ang tungkol sa kumakalat na balitang nasira na ang pundasyon nito

SM MoA, pinabulaanan ang tungkol sa kumakalat na balitang nasira na ang pundasyon nito

- Nilinaw ng pamunuan ng SM Mall of Asia ang tungkol sa kumakalat na balita sa isang messaging app

- Ito ay tungkol sa umano'y huminang pundasyon ng nasabing mall at maaari na umanong mag-collapse ito

- Ang naturang mensahe ay nagbabala sa mga tao na iwasan na muna ang pagpunta sa SM MoA

- Nilinaw ng pamunuan ng mall na walang katotohanan ang nasabing balita at nasuri umano ang pasilidad ng mall upang masigurado ang kaligtasan ng lahat

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nilinaw ng pamunuan ng SM Mall of Asia ang tungkol sa kumakalat na balita sa messaging apps. Ito ay tungkol sa umano'y huminang pundasyon ng nasabing mall na maari umanong maging dahilan ng pag-collapse ng MoA building.

Narito ang nilalaman ng kumakalat na mensahe:

Wala muna po pupunta sa MOA ha Guys, avoid nyo din pumunta sa MOA. 1 of the Engineers is our family friend and pinatawag sila ng management dahil nasira na ang mga pondasyon sa ilalim causing the water from the bay to enter sa ilalim. Pumping system na lang yung tumutulak pabalik ng water sa bay. Pag nasira ang mga pumps pwedeng mag collapse ang moa.

Read also

Preso, nakatakas matapos mautusang mag-igib ng tubig sa labas ng bilangguan

Nilinaw naman ng pamunuan ng SM MoA na walang katotohanan ang nasabing balita at nasuri umano ang building upang masigurado ang kaligtasan ng kanilang costumers, tenants at maging ng kanilang employees.

The message that is being re-circulated on messaging apps where water will make the Mall of Asia buidling collapse is patently false. The foundation of the SM Mall of Asia Complex is built on concrete piles that reach the bedrock and will withstand extreme situations. Moreover, we also have rigorous annual checks to ensure the stability of the buildings so at no time will the safety of our customers, tenants and employees be compromised.
SM MoA, pinabulaanan ang tungkol sa kumakalat na balitang nasira na ang pundasyon nito
SM MoA, pinabulaanan ang tungkol sa kumakalat na balitang nasira na ang pundasyon nito (Photo: flickr.com/photos/donblimey/155397824)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

SM MoA, pinabulaanan ang tungkol sa kumakalat na balitang nasira na ang pundasyon nito
SM MoA Official Statement (smsupermalls.com/)
Source: Twitter

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang SM Mall of Asia ay isang mall na matatagpuan sa Pasay malapit sa Manila Bay. Binuksan ito noong taong 2006 at ito ay ikaapat sa pinakamalalaking mall sa bansa. Ito ay bahagi ng SM Prime Holdings na itinatag ni Henry Sy, Sr.

Read also

Ina na may apat na anak, naglabas ng hinaing sa DepEd tungkol sa learning modules

Pumanaw si Sy sa edad na 94 noong ika-19 ng Enero taong 2019. Bilang pagbibigay pugay sa kanya, inilawan ang globe na matatagpuan sa SM MoA.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Glory Mae Monserate avatar

Glory Mae Monserate