Lalaking nahuli na nagnakaw ng diaper at gatas, arestado

Lalaking nahuli na nagnakaw ng diaper at gatas, arestado

- Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagnakaw ng gatas at diaper sa isang grocery store

- Naganap ang nasabing pagnanakaw sa Taguig City hapon ng Sabado, ayon sa pulisya

- Nahuli siya matapos lumabas sa nasabing grocery store at walang maipakitang resibo sa lahat ng kanyang bitbit na grocery items

- Umabot sa halagang P3,500 ang grocery items ang kabuuan ng lahat ng nakuha ng lalaki

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi nakaligtas ang isang lalaki na matapos mahuling nagnakaw ng ilang grocery items kabilang na ang diaper at gatas sa Taguig City hapon ng Sabado, sa isang supermarket.

Ang 37-anyos na suspek ay nahuli sa isang supermarket sa Bonifacio Global City ayon sa ulat ng Southern Police District.

Lalaking nahuli na nagnakaw ng diaper at gatas, arestado

Lalaking nahuli na nagnakaw ng diaper at gatas, arestado (Photo by Hendrik Schmidt/picture alliance via Getty Images)
Source: Getty Images

Kaya nang nakita umano ng guwardiya na may dalang grocery items ang lalaki, hiningian niya ito ng resibo at walang itong maipakita, kaya agad siyang hinuli.

Ethel Booba, ibinida ang umano'y 'bunga' ng kanyang pagvlog

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Kabilang sa mga nakuha sa kanya ang isang malaking pack ng diaper, gatas, isang pack ng hotdog, 10 pakete ng kape, at maging ang isang air freshener. Umabot sa halagang P3,500 ang kabuuan ng mga grocery items na nakuha sa kanya.

Sa kasalukuyan, nakadetene sa ang lalaki sa Taguig Police Station at mahaharap sa reklamong theft.

Sa kabila nito ay marami ang nahabag sa lalaking nahuli:

Nakakaawa nman.. Nagawa nya lang cguro yung ganyang bagay para sa anak nya dahil ayaw cguro nya magutom
Nawalan siguro sya ng trabaho kaya nagawa nya. Diaper at gatas so may baby sya. Halos lahat nagsara ng negosyo. Samantala yung mga buwaya na politiko na milyones ninanakaw hindi hinuhuli at mahimbing tulog nila sa mansyon.
We can help him..magbayanihan nalang sana..iba na talaga hirap. kung para sa anak nya un I'm willing to send help po.
Claudine Barretto, humiling ng panalangin para sa kanyang operasyon

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Hindi ito ang unang pagkakataon na umani ng simpatya ang pagnanakaw. Kamakailan ay isang lalaki din ang naaresto dahil sa pagnakaw sa ilang karne sa isang tindahan.

Isang lalaki din ang naaresto matapos siyang mahuling kumain ng corned beef sa lugar kung saan siya nagtatrabaho.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel