Lalaki, arestado sa Taguig matapos mahuling pumuslit ng karne sa mini-mart

Lalaki, arestado sa Taguig matapos mahuling pumuslit ng karne sa mini-mart

- Arestado ang isang lalaki matapos umano nitong mag shoplift ng karne mula sa isang mini-mart sa Taguig

- Dalawang pakete umano ng frozen na karneng baboy--isang kasim cut at isang marinated na barbecue ang ipinuslit nito

- Isang lalaking staff ng tindahan ang humabol sa kanya matapos nilang makitang lumabas ang suspek nang hindi pa nakakapagbayad

- Ayon sa pulisya, kasalukuyang walang trabaho ang 28-anyos na lalaki at nakatira sa ibang baranggay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Arestado ang isang lalaking sinasabing nahuling pumuslit ng karne sa isang tindahan sa Brgy. Ligid-Tipas.

Ayon sa ulat ng ABS-CBN News, pumasok ang lalaki sa tindahan at pumuslit ng dalawang pakete ng karneng baboy. Isang kasim cut at isang marinated na barbecue ang nakuha sa 28-anyos na lalaki.

Ang bawat pakete ay kalahating kilo ang timbang at nagkakahalaga ng P270. Matapos umanong mapansin ng staff ng tindahan ang paglabas ng lalaki nang hindi nakakapagbayad, agad nitong hinabol ang suspek.

Dalawang bantay-bayan na naturang baranggay ang tumulong sa pagdakip sa suspek.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Napag-alaman ng KAMI na kasalukuyang walang trabaho ang suspek at hindi taga Brgy. Ligid-Tipas.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19, marami ang apektado at nawalan ng trabaho. Kabilang na ang mga tsuper ng jeep na wala nang nagawa kundi manghingi ng limos dahil hindi sila makapaghanap-buhay.

Lalaki, arestado sa Taguig matapos mahuling pumuslit ng karne sa mini-mart

Photo by Joseph Dacalanio/Pacific Press/LightRocket via Getty Images
Source: Getty Images

Ang COVID-19 o Corona Virus Disease ay sanhi ng severe acute respiratory syndrome coronavirus 2 (SARS-CoV-2). Unang nakapaminsala sa tao ang virus na ito noong 2019 sa Wuhan, ang capital ng Hubei province sa Central China. Sa kasalukuyan, unti-unti nang nakakabawi ang China mula sa dagok na dala ng pandemic na ngayon ay namiminsala na rin sa maraming bansa kabilang na ang Pilipinas.

Kamakailan ay naungusan na ng Pilipinas ang China sa dami ng kumpirmadong kaso ng COVID. Samantala, nagbabala ang World Health Organization na maaring tumagal pa ang pandemyang dulot ng COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel