'Kalayaan Tree' sa tabi ng Barasoain Church, naputol dahil sa Bagyong Ulysses
- Sa lakas ng hagupit ng Bagyong Ulysses, naputol ang 'Kalayaan tree' sa tabi ng Barasoain church sa Malolos, Bulacan
- Bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas ang punong ito lalo na sa ilalim daw nito madalas maganap ang mga pulong noon sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo
- Nalungkot ang ilang netizens lalo na iyong mga kakabisita pa lamang sa lugar bago ito maputol
- Ngunit dahil sa nanatili pa naman ang mga ugat nito, maasahan pa rin ang muling pagtubo at pag-usbong ng makasaysayang puno sa Malolos
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Nag-viral ang larawan ng naputol na 'Kalayaan Tree' sa tabi ng Barasoain church sa Malolos, Bulacan.
Nalaman ng KAMI na makikitang halos ang kalahati ng mismong katawan nito ay nakatumba na dahil sa lakas ng hagupit ng Bagyong Ulysses sa iba't ibang bahagi ng Luzon.
Ibinahagi ng netizen na si Angelica San Esteban Granada ang larawan ng Kalayaan Tree na noi'y makikita pa sa P10 papel bago pa ito maging coin.
Makasaysayan ang punong ito na higit isang taon nang nabubuhay sa tabi ng simabahan ng Barasoain.
Bukod pa rito, sa ilalim ng naturang puno madalas maganap ang pulong sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Ito rin ang nagmistulang saksi sa pagbuo ng Republika ng Malolos.
Katunayan, sa ilalim ng punong ito makikita ang rebulto nina Gen. Gregorio del Pilar, Gen. Isidoro Torres, Don Pablo Tecsonat Padre Mariano Sevilla.
Maraming netizens ang nakaramdam ng lungkot nang makitang putol ang puno dahil lamang sa tindi ng hagupit ng Bagyong Ulysses.
Ngunit ang ilan, umaasahang tutubo pa ito lalo na at hidi pa naman natatanggal umano ang mga ugat nito.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Isa ang Malolos sa mga nasalanta ng Bagyong Ulysses noong Nobyembre 11.
Binaha rin ang kanilang lugar ngunit mas matindi pa rin ang sinapit ng Marikina City, ilang bahagi ng Rizal, ilang bahagi ng Quezon gayundin ang Cagayan.
Halos nanumbalik pa raw ang mga nangyari noong Bagyong Ondoy ng 2009 sa mga taga-Marikina dahil hindi nalalayo ang pagtaas ng tubig noong sa pagbahang naransan nila sa ngayon.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh