Mayor ng Marikina, pinuri dahil sa tapang sa gitna ng Typhoon Ulysses
- Si Marikina Marcy Teodoro ay umani ng maraming papuri at paghanga sa social media
- Nag-viral kasi ang photos na ipinost ng Marikina PIO na nagpapakita sa response ng mayor sa gitna ng Typhoon Ulysses
- Sa mga nasabing photos, makikitang tinahak ni Teodoro ang baha sa mga lansangan ng Marikina habang tinitingnan ang kalagayan ng kanyang area
- Maraming netizens ang nagsabing matapang at tunay na public servant si Mayor Teodoro
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed
Si Marcy Teodoro, ang mayor ng Marikina City, ay umani ng maraming papuri sa social media.
Ito ay dahil sa mga photos na ipinost ng Marikina PIO na nagpapakita sa response ng mayor sa gitna ng Typhoon Ulysses.
Makikita sa mga nasabing photos na tinahak ni Teodoro ang baha sa mga lansangan ng Marikina habang tinitingnan ang kalagayan ng kanyang area.
Marami na kasing residente ng Marikina ang kailangan ilikas dahil masyado nang mataas ang baha sa kani-kanilang lugar. Sa social media, maraming netizens ang nag-sabing matapang at tunay na public servant si Mayor Teodoro.
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback
Ito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:
“Kagabi kapa walang tulong mayor marcy the best ka talaga ibang mayor san kaya ngayon.”
“Yan ang MAYOR, buhay sakripisyo alangalang sa kanyang mamamayan!”
“Yan ang mayor may malasakit na tunay, certified public servant”
“Sana lahat ng mayor kagaya mo...walang arte at mahal ang kanyang nasasakupan.”
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ayon sa PAGASA, tatlong beses nag-landfall sa Quezon ang Typhoon Ulysses. Sa una nitong landfall, mayroon itong maximum sustained winds na 150 kilometers per hour. Dahil dito, mayroon nang mga barangay na nagsagawa ng forced evacuations.
Halos isang linggo lamang ang nakararan nang manalasa ang Bagyong Rolly na tumaas ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) ng hanggang Signal number 5. Umani ng papuri si Vice President Leni Robredo dahil sa kanyang public service sa gitna ng nasabing typhoon.
Ilang mga video rin ang nag-viral kaugnay nito kung saan makikita ang mga pinagdaanan ng mga pamilyang sinalanta ng bagyo. Masasabing milagrong nakaligtas sila dahil makikita ang hirap na kanilang sinapit dahil sa hagupit noon ni Rolly.
Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh