Mag-ina sa MRT, naghahanap ng ospital na tatanggap sa anak na may karamdaman

Mag-ina sa MRT, naghahanap ng ospital na tatanggap sa anak na may karamdaman

- Viral ngayong ang post tungkol sa mag-inang sakay ng MRT na naghahanap daw ng opsital

- Mapapansing hinang-hina ang anak na hindi pala halos makakain dahil isinusuka lamang niya ito

- Nakailang ospital na raw sila ngunit hindi sila tinatanggap dahil wala umano silang perang pambayad

- Susubukan daw umano ng mag-inang pumunta sa ospital sa Pasig at magbabaka-sakaling tatanggapin na sila doon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Mag-ina sa MRT, naghahanap ng ospital na tatanggap sa anak na may karamdaman
Photo from Manilyn Palad's Facebook
Source: Facebook

Umantig sa puso ng mga netizens ang viral post ni Manilyn Palad kung saan nakunan niya umano ng larawan ang mag-inang nakasakay niya sa MRT.

Nalaman ng KAMI na mayroong karamdaman ang anak na mapapansing hinang-hina na.

Kwento ng ina nito, hindi raw makakain ang anak dahil sa tuwing may isusubo ito ay agad niyang niluluwa.

Ayon sa kay Manilyn, ipinakita ng ina na nakalabas na raw umano ang bahagi ng bituka nito. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi ito makakain ng maayos.

Read also

Raffy Tulfo, bibigyan ng leksyon ang ale na nangungutya ng mga LGBT

Ang masaklap pa sa kanilang sitwasyon, nakailang ospital na sila ngunit walang tumatanggap sa kanila sa kadahilanang wala umano silang maipambayad.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Naglalakad pa sila mula Parañaque at patungo sila sa Pasig sa pagbabaka-sakaling may tatanggap na sa kanilang ospital doon.

Isang dahilan din marahil kaya hindi basta matanggap sa ospital ang mag-ina ay dahil sa ang prayoridad sa ngayon ay ang mga pasyenteng tinamaan ng COVID-19.

Kaya naman umaasa ang mga nakakita ng post na matulungan ang mag-ina lalo na ang batang hinang-hina na sa kanyang kalagayan.

Narito ang kabuuan ng post:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakalulungkot isipin na kaakibat na ng pandemya ang problema sa pagpapagamot ng may ibang karamdaman maliban sa COVID-19.

Read also

Super Tekla, pinasalamatan ang unang naka-relasyon na nagawa siyang ipagtanggol

Makailang beses nang naiulat ang mga pasyenteng binawian pa umano ng buhay sa paghahanap ng ospital na tatanggap sa kanila upang maipagamot.

Ang dahilan naman ng ibang pagamutan, baka lalo lang mahawa ang mga pasyenteng pupunta nang diretso sa kanila lalo na kung sila ay COVID-19 hospital.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica