Dalagang di nalaman ang karamdaman, pumanaw matapos tanggihan ng 5 ospital

Dalagang di nalaman ang karamdaman, pumanaw matapos tanggihan ng 5 ospital

- Pumanaw ang isang dalaga sa Parañaque matapos na tanggihan ng limang ospital na pinagdalahan sa kanya

- Nanakit umano ang tiyan ng babae kaya naman agad na isinugod ito sa pagamutan

- Sa kasamaang palad, umabot sa lima ang ospital na pinagdalhan sa kanya ngunit ni isa ay walang nagtangkang tumingin sa kanya at baka mahawa lamang daw ito sa COVID-19

- Sa sama ng loob, nasambit ng kanyang tiya na sana'y COVID-19 na nga lang ang naging karamdaman ng dalaga at baka sakaling nalapatan pa ito ng lunas sa mga ospital

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Dalagang di nalaman ang karamdaman, pumanaw matapos tanggihan ng 5 ospital

20-anyos na si Diane (Screengrab from News5)
Source: Facebook

Hindi na nalaman ng isang dalaga sa Parañaque ang kanyang naging karamdaman matapos na tanggihan di umano siya ng limang ospital na pinagdalhan sa kanya.

Nalaman ng KAMI na namimilipit sa sakit ng tiyan ang dalaga kaya naisipan na siyang dalhin ng kanyang mga kaanak sa pagamutan.

Sa kasamaang palad, sa limang pinagdalahan sa kanya, wala ni isang nagtangkang tumingin sa kanya.

Ayon sa panayam ng News5 sa tiyuhin ng dalaga na si Danilo Ewican, hindi raw magawang tanggapin ang kanyang pamangkin dahil baka mahawa lamang daw ito sa COVID-19.

Sana man lang daw, may isang tumingin sa pamangkin at nabigyan man lang ito ng kahit na paunang lunas lamang.

Dala ng sobrang pagod, minabuti na lamang nilang iuwi ang dalaga na noo'y hinang-hina na sa kanyang nararamdaman.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Halos hindi na raw ito makasalita ng maayos at lalong lumala ang kalagayan. Hindi nagtagal, binawian na rin ito ng buhay.

Sa sama ng loob ng kanyang mga kaanak, nasambit ng tiya niya na sana raw ay COVID-19 na nga lang ang karamdaman ng pamangkin at baka sakaling naasikaso pa raw ito sa ospital.

Hindi rin napigilan ng kanyang tiyuhin na maging emosyonal dala ng hinanakit sa di inaasahang pagpanaw ng dalaga.

Magsilbing aral daw ito sa mga pagamutan na hindi lamang COVID-19 ang maaring iinda ng mga tao sa ngayon.

Wala raw sanang papanaw pang muli dahil lamang sa pagtanggi ng ilang ospital.

Ayon sa Unihealth Parañaque, isa sa mga ospital na pinagdalhan sa dalaga, hindi raw sila tumatanggi sa kahit na sinong pasyente kaya naman papaimbestigahan nila ang nangyari na ito sa dalaga.

Hindi ito ang unang beses na pumanaw ang pasyente dahil sa pagtanggi ng mga ospital sa katwirang baka lalong mahawa ang mga ito sa mga COVID-19 patients na naroon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Noong Abril, matatandaang isang bagong silang na misis ang tinanggihan din ng anim na ospital at di nagtagal ay pumanaw din.

Anim na oras na naghanap ng pagamutan ang misis ngunit hindi na nito kinaya hanggang sa binawian na siya ng buhay.

Ilang araw lamang matapos ang insidenteng ito, dalawang bata ang di rin tinanggap sa ilang pagamutang kanilang pinuntahan sa takot daw na mahawa ang mga ito sa COVID-19.

Sa patuloy na paglaganap ng coronavirus disease 2019 sa bansa, patuloy ding napupuno ang mga ospital na isa rin marahil sa dahilan kung bakit nagagawa nilang tanggihan ang ilang mga pasyente.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel