'Makagwapo', ibinahagi sa social media ang umano'y ebidensiya laban kay 'Makaganda'

'Makagwapo', ibinahagi sa social media ang umano'y ebidensiya laban kay 'Makaganda'

- Matapos ibunyag ni Christian Merck Grey o kilala sa tawag na 'Makagwapo' ang tungkol sa umano'y ibang karelasyon ni Caffey Namindang, naging usap-usapan muli sila

- Nakahanap umano ng ebidensiya si Merck na magpapatunay sa kanyang alegasyon

- Kasunod nito ay agad na nag-viral ang post ng isang babaeng nagsabing si Caffey ang dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng ama ng kanyang pinagbubunis

- Kasunod nito, mismong Facebook account ni Merck ang nagbahagi ng mga 'ebidensiyang' ibinahagi ng babae sa social media

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pa tapos ang isyu sa pagitan nina Christian Merck Grey o mas kilala bilang si 'Makagwapo' sa social media at ng dating kasintahan nitong si Caffey Namindang o si 'Makaganda'.

Marami ang nag-akalang tapos na ang isyu ng dating magkasintahan nang magkasundo silang maghahati na lamang ng perang sinahod ng kanilang YouTube account.

Kasamahan ni Tekla sa comedy bar, ipinagtanggol si Tekla laban sa kinakasama nito
'Makagwapo', ibinahagi sa social media ang umano'y ebidensiya laban kay 'Makaganda'

Photo from Christian Merck Grey's Instagram
Source: Instagram

Gayunpaman, nitong Sabado lamang ay lumabas ang isang video ni Merck na nagsasabing may ibang lalaki umano si Caffey.

Kasunod nito ay ang paglabas ng isang Facebook post ng isang Facebook user na may pangalang Ma Alyssa Therese Bocalan.

Nagpakilala si Bocalan bilang kasintahan ng isa sa kaibigan ni Merck. Ayon sa kanyang post, nagkakamabutihan umano sina Caffey at ang ama ng kanyang pinagbubuntis habang nagkakagulo sina Merck at Caffey.

Ibinahagi din niya ang ilang screenshot ng umano'y pag-uusap nina Caffey at ng kanyang kasintahan. Gayunpaman, pawang mga dummy account umano ang gamit nila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Makikita din sa isang bahagi ng pag-uusap ang isang litrato na kung saan makikita ang isang lalaki na pinaniniwalaang si Merk habang magkaharap sila ni Caffey sa barangay upang magkapirmahan na ng kanilang mapagkakasunduan.

Alex Gonzaga, ibinahaging nagka-COVID sila ng kanyang mga magulang

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang dalawa ay nakilala sa kanilang YouTube videos. Nakilala sila sa bansag na Makaganda at Makagwapo.

Matatandaang lumikha din ng ingay ang pag-aaway ng magkarelasyong sina Tim Sawyer at China Roces matapos ibahagi ni China ang isang live video ng kanilang pag-aaway dahil sa usaping pera.

Dahil sa lumalang pagbabangayan ay nakarating sila sa programa ni Raffy Tulfo kung saan sinubukan silang pag-ayusin at pagbatiin matapos ang kontrobersiyal nilang pagpapalitan ng masasakit na salita.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel