Willie Revillame, pinakilala ang nag-iisang lalaking anak sa dating asawang si Liz Almoro

Willie Revillame, pinakilala ang nag-iisang lalaking anak sa dating asawang si Liz Almoro

- Sa isang episode ng Wowowin ay pinakilala ni Willie Revillame ang anak na si Juamee Revillame

- Si Juamee ang bunso at nag-iisang anak na lalaki ng TV host sa dati nitong asawang si Liz Almoro

- Matatandaang na-annul ang kasal ni Willie sa dating asawa noong 2008 matapos magsampa ng petisyon sa korte si Liz upang ideklarang walang bisa ang kanilang kasal

- Matatandaang ikinasal sila sa isang civil rites sa Lipa City noong March 2005

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ipinakilala ni Willie Revillame sa publiko ang kanyang anak na si Juamee sa “Tutok To Win” segment ng "Wowowin."

Buong pagmamalaking pinakilala ni Willie ang bunso at nag-iisang anak niyang lalaki.

“At siyempre ang aking bunso, ang nag-iisa kong anak na lalake. Si Juamee Revillame," ani Willie.

Mata lamang nito ang naipakita dahil natatakpan ng facemask ang kanyang mukha. Gayunpaman, napansin ni Willie ang ayos ng buhok ng anak.

Nagpakilalang pamangkin ng isang film producer, ipina-Tulfo ng ex-GF

“Ba't ba ganyan ang buhok niyan naka-ganon? K-pop? Penge ngang brush, K-pop nga ko. Uso ba ngayon 'yan, K-pop?” pagbibirong banggit niya.

Si Juamee or Juan Emmanuel ay anak ni Willie sa dating asawang si Liz Almoro.

Matatandaang lumabas ang balita tungkol sa kanilang pagpapakasal sa isang civil rite sa Batanggas noong March 2005 ngunit na-annul din ito noong 2008 matapos magsampa ng petisyon sa korte si Liz upang ideklarang walang bisa ang kanilang kasal.

Sa kasalukuyan, si Liz ay mayroon na ring asawa.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Willie Revillame, pinakilala ang nag-iisang lalaking anak sa dating asawang si Liz Almoro

Willie Revillame (Courtesy of Flickr)
Source: UGC

Kilala si Willie Revillame bilang isa sa mayayamang artista. Kilala bilang game show host. Ilan sa mga sumikat niyang shows ay Willingly Yours, Masayang Tanghali Bayan, Wowowee, Willing Willie, Wil Time Bigtime , at Wowowillie. Pinasok din niya ang pagrerecord ng mga awitin.

Marriage proposal sa SM MOA drive-in cinema, nagpakilig at nagpaluha sa netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Matatandaang umalma si Willie Revillame sa isang digital magazine tungkol sa isa umanong fake news tungkol sa kanya.

Nakilala ang TV host sa kanyang pagiging matulungin sa mga nangangailangan. Sa katunayan, 1,000 tablet ang kanyang pinamigay sa mga mag-aaral na mapipili para magamit sa kanilang pag-aaral.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel