Ama, inatake ang anak na nakahuli sa kanya habang angkas si kabit

Ama, inatake ang anak na nakahuli sa kanya habang angkas si kabit

- Humingi na ng tulong si Alaissa Marie Cagayat sa programa ni Raffy Tulfo matapos siyang sugurin ng kanyang sariling ama

- Nahuli kasi ni Alaissa na angkas ng kanyang ama sa motor ang kabit nito

- Sapul sa CCTV ang ginawang pagsugod ng ama ni Alaissa at kung paano siya napaupo sa sahig sa sobrang takot

- Depensa ng kanilang ama, hindi lang siya ang may kasalanan at meron ding mga pagkukulang ang kanyang asawa sa kanilang pamilya

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" si Alaissa Marie Cagayat upang ireklamo ang kanyang ama na si Virgilio Cagayat matapos siyang saktan nang mahuli niya ito sa daan habang kasama ang kanyang kabit.

Nalaman ng KAMI na sapul sa CCTV ang ginawang pag-sugod ni Virgilio sa kanyang anak.

Viral lady Grab driver, nakalaya na; idinetalye ang buong pangyayari

Makikita rin na napa-upo na sa takot si Alaissa matapos siyang sugurin ng ama.

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks

Ayon sa kuwento ng anak, matagal na silang namumuhay sa takot dahil sa kanilang ama. Kaya naman napagpasyahan na nilang humingi ng tulong kay Idol Raffy.

Pero depensa ng kanilang ama, wala raw respeto si Alaissa sa kanya kaya niya nagawang sugurin ito sa daan.

Nang makita raw sila nito na magkasama sa motor ay bigla na lang itong sumigaw ng "kabit, kabit" habang maraming tao.

Hindi na raw nakapagpigil si Virgilio nang makita niya na naglabas ng cellphone si Alaissa para kuhaan sila.

Paliwanag ni Alaissa, "Kumuha po kasi ako ng phone kasi vi-video-han ko nga po sila para po ebidensya na magkasama sila. 'Dun po ako inatake ng tatay ko."

Banat naman ni Raffy sa ama, "Paano kayo gagalangin? 'Di kayo ka-galang-galang.. Harap mismo

Iba to! Kabit, tumakbo kay Raffy Tulfo para ireklamo si legit

ng anak niyo nangangabit kayo."

Sinabi rin ni Virgilio na hindi lang siya ang may pagkukulang dahil ang ina nina Alaissa na si Conchita Cagayat ay marami ring naging kasalan kagaya raw ng pagiging lasenggera at gumamit pa raw ito ng ipinagbabawal na gamot.

Hindi naman ito itinanggi ng ina nina Alaissa, pero lahat daw ng kasalanang nagawa niya ay ihiningi na niya ng tawad sa kanilang mga anak.

Mensahe ni Alaissa sa ama, "Okay na yung iniwan mo kami, hindi ka nagbibigay samen ng pangtustos. Pero yung saktan mo ako, si mama, tapos yung anxiety na binigay mo kay ate. Araw-araw hindi makatulog si ate dahil baka patayin mo na lang kami."

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala bilang Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist na may radio program sa Radyo5 92.3 News FM na may pamagat na "Wanted sa Radyo".

GF, emosyonal sa pagsagot ng "yes" sa BF na naghintay ng 12 taon sa kanya

Nitong nakaraan ay pinag-usapan sa social media ang naging kontrobersyal na Facebook live ni Caffey 'Makaganda' Namindang. Isiniwalat kasi niya na "scripted" lang lahat ng kanilang vlogs ng boyfriend niya na si Christian Merck 'Makagwapo' Grey. Dahil dito, dumulog na si Caffey sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang dating live-in partner.

Nabalitaan ding nagsangla si Makaganda ng mga alahas na galing kay Makagwapo para merong panggastos. Walang-wala na raw kasing pera si Caffey matapos siyang iwanan ng vlogger na boyfriend.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel