Iba to! Kabit, tumakbo kay Raffy Tulfo para ireklamo si legit

Iba to! Kabit, tumakbo kay Raffy Tulfo para ireklamo si legit

- Naiiyak na idinulog ng isang lady guard ang kanyang reklamo laban sa asawa ng kanyang dating karelasyon

- Ayon sa sumbong nito, sinugod siya ni misis at ng anak nito sa lugar na kanyang pinapasukan at doon siya sinaktan

- Ngunit depensa ni misis, hindi pa raw kasi tumitigil si kabit sa pakikipag-usap kay mister

- Agad namang pumagitna si idol Raffy Tulfo sa mabangis na sagutan at mga paratang ng dalawa sa isa't isa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Umiiyak na dumulog ang lady guard na si Arlene Adrales sa programa ni Raffy Tulfo para ireklamo ang asawa ng kanyang dating karelasyon na si Jay Mortera.

Batay sa sumbong ni Arlene, sinugod siya ni misis na nakilalang si Charry Mortera, sa lugar na kanyang pinapasukan at doon siya sinaktan kasama ang isang anak nito.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso
Iba to! Kabit, tumakbo kay Raffy Tulfo para ireklamo si legit

Photo from Wikimedia Commons
Source: UGC

Iginigiit daw kasi nito na patuloy pa rin ang kanyang relasyon sa mister nito. Pero ayon kay Arlene ay hiwalay na sila ng lalaki.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Depensa naman ni misis, may mga patunay umano siya na patuloy pa rin ang komunikasyon ng dalawa. Iginigiit din nito na si Arlene umano ang nagpapakita ng motibo sa kanyang mister.

Kaya naman hindi na raw niya napigilan ang sarili nang sugurin niya ito sa mall na pinapasukan nito at ni mister kung saan nakita pa raw niyang magkausap ang dalawa.

Ayon naman kay mister, tapos na raw ang kanilang relasyon ni Arlene. Naging tapat naman daw siya rito sa umpisa pa lamang ng kanilang ugnayan.

Anito, sinabi niya kay Arlene na ang kanyang pamilya pa rin ang kanyang pipiliin sa huli.

Ngunit sabi ni Arlene ay hindi ganoon ang sinabi sa kanya ni Jay noong una.

Legit, bistado at nakunan pa ng video si mister at kabit na magkasama

Sa huli ay nagkasundo naman ang tatlo na tapusin na roon ang gulo sa pagitan nila.

Napag-alaman din na inilipat na ng kanilang opisina si Arlene matapos ang insidente.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael "Raffy" Teshiba Tulfo ay isang sikat na broadcast-journalist at kilalang personalidad sa bansa. Asawa nito si Jocelyn Tulfo at mayroong dalawang anak, sina Maricel at Ralph Tulfo.

Kilala ito dahil sa kanyang pagtulong sa mga Pilipino at tinaguriang "King of Public Service".

Kamakailan, isang OFW ang lumapit kay idol matapos niyang madiskubre ang panlalalaki ng kanyang misis na nagkaroon ng dalawang kabit!

Habang isa namang OFW ang umiyak na lamang nang harapang umamin ang kanyang misis na naanakan ito ng isang kapitan!

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel