Estudyanteng nasa online class habang nagtitinda sa lansangan, umantig sa mga netizens
- Isang estudyante ang nakitang nag-aaral habang nagtitinda siya sa lansangan
- Ayon sa netizen, nasa online class ang estudyante habang binabantayan nito ang paninda niyang face shield
- Kaya naman, umantig sa puso ng mga netizens ang pag-doble kayod ng estudyante sa gitna ng pandemya
- Matatandaan ngang dahil sa banta ng COVID-19 ay naka-distance learning ang mga paaralan ngayon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Naging viral sa social media ang isang estudyanteng doble kayod sa gitna ng pandemya sa bansa.
Nalaman ng KAMI na habang nagtitinda ng face shield ay nag-aaral din ang bata.
Sa Facebook post ng netizen na si Richard Rubrica, makikita ngang naka-focus sa online class ang bata habang nabantay ito sa mga panindya niya.
Ayon sa netizen, nakita niya ang estudyante sa may Zabarte Mall sa may North Caloocan. Aniya, parang eksena sa pelikula ang kalagayan ng estudyante.
Samantala, umantig naman sa mga netizens ang sitwasyon ng estudyante na nag-aaral habang naghahanapbuhay. Narito ang ilang mga komento nila rito mula sa Facebook post ng Trending Viral:
“nakakalungkot talaga makita ang ganitong eksena..na dapat sa bahay nag aaral ang mga bata. ngunit kailangan p nila mag hanapbuhay”
“Pinag sabay nya pag aaral at pag ttinda nya mkasbay lang sya sa pag aaral. Sipag mo nman keep it up. God bless”
“Good job Nene.. nakakarelate... Focus lng s pangarap mo... God is good...”
“Proud syo mga magulang mo..ineng..kc masikap at madiskarte ka..laban lng s hamon ng buhay at may gantimpala..din darating syo galing ky GoD..."
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Ngayong may pandemya sa bansa at may banta pa rin ng COVID-19, nagpasya ang Department of Education na ipatupad na lang ang distance o blended learning.
Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang batang estudyante ang naiyak dahil nahihirapan itong intindihin ang nasa learning modules.
Samantala, nag-viral din ang isang estudyanteng naiyak sa harap ng laptop niya dahil nahihirapan na rin ito sa online class.
Please like and share our amazing Facebook posts and stories to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading and learning about your thoughts and views on different matters!
Source: KAMI.com.gh