Kawawa naman! Lalaking pasahero, nahulog sa jeep dahil sa sobrang antok

Kawawa naman! Lalaking pasahero, nahulog sa jeep dahil sa sobrang antok

- Nalaglag sa jeep ang isang lalaking pasahero sa Cavite kamakailan lang dahil umano sa sobrang antok

- Matapos mahulog ng lalaking pasahero ng jeep, hindi niya kaagad namalayan ito at hindi rin siya kagad nakabangon

- Agad namang tinulungan ng mga tao ang pasahero para makatayo ito at dali-dali rin siyang dinala sa ospital

- Wala namang nabalitang injury o sugat na natamo ang pasahero matapos ang pagkakahulog niya sa jeep

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang pasaherong lalaki ang biglang nalaglag sa jeep sa may Dasmariñas, Cavite.

Nalaman ng KAMI na dahil umano sa sobrang antok kaya nalaglag ang lalaki sa sinasakyan nitong jeep.

Kawawa naman! Lalaking pasahero, nahulog sa jeep dahil sa sobrang antok

Photo from Getty Images
Source: Getty Images

Ayon sa ulat ni Susan Enriquez sa Unang Hirit ngayong Biyernes, nabalitang biglang nahulog ang pasahero na naka-upo sa bungad ng jeep sa may bandang Pala-Pala intersection.

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Base sa ulat ng Balitambayan (isinulat ni LBG), dahil sa sobrang antok kaya hindi namalayan kaagad ng lalaki na bumagsak na siya sa kalsada. Agad ding lumapit ang mga tao sa kanya upang tulungan siyang makatayo.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sabi sa ulat ng Unang Balita, dali-dali ring nadala sa ospital ang pasahero at wala namang napabalitang injury o sugat na natamo ang lalaki sa ngayon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, isang dalaga ang humanga sa lalaking nakasakay niya sa jeep dahil sa pagiging “gentleman” umano nito sa kanya.

Samantala, isang pasahero naman ang naging emosyonal nang malaman niya ang tunay na kalagayan ng driver ng nasakyan niyang jeep.

Vlogger, biniyayaan ng matitirhan ang empleyadong nakatira sa bukid

Naging viral din ang isang magandang babae na naging pasahero ng jeep matapos malamang miyembro pala ito ng LGBT community.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We really love reading and learning all about your interesting thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel