Misis, nakayang patirahin ang kabit kasama nila ng kanyang mister sa iisang bubong

Misis, nakayang patirahin ang kabit kasama nila ng kanyang mister sa iisang bubong

- Nagulat ang marami dahil sa isang kaso na idinulog sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa ang misis ang nag-uwi mismo ng kabit sa kanilang tahanan

- Tinanggap daw sila ng mister na bagaman at nasaktan, mas pinili paring isaalang-alang ang damdamin ng misis

- Kahit na namumuhay daw sila ng maayos at tanggap ang nasabing sitwasyon, hindi raw ito masikmura ng mga kamag-anak

- Paghaharapin ng programa ang magkabilang panig upang magkaayos ang mga ito sa nais talaga nilang mangyari

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Misis, nakayang patirahin ang kabit kasama nila ng kanyang mister

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

First time daw di umano sa programang 'Wanted sa Radyo' ni Raffy Tulfo na ang misis ang nag-uwi ng kabit sa tahanan nila ng kanyang mister.

Nalaman ng KAMI na inireklamo ng dalawang kaanak ng misis na si Maricel Tabinas ang ginagawa ng mga ito dahil hindi na nila masikmura ang sitwasyon lalo na at mayroon itong anak.

Kabit na handa na sanang pagbayaran ang kasalanan, ligtas pala sa kaso

Nagulat maging si Tulfo sa kalagayang ito nina Maricel na nagawang iuwi ang kanyang kabit na si Marcelino Palo na tinanggap naman ng kanyang asawa na Edgar Tabinas.

Nasa 13 taon na di umano nila itong nagagawa at wala naman daw naging problema maliban na lamang sa dalawang kamag-anak na ito.

Ang nakakagulantang pa sa tatlo ay nang sabihin nilang maging sa kanilang silid at naatim nila na magkakasama.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ayon sa mister, hindi na lamang siya pumalag nang malaman niyang mayroong kabit ang misis dahil ayaw din niya itong makitang nahihirapan.

Kaya naman para maging maayos daw ang lahat, tinanggap na lamang niya sa kanilang tahanan ang lalaki.

Dahil dito, labis na nagtataka ang mister kung ano ang pinaka motibo ng mga kaanak sa di umano'y pangingialam ng mga ito gayung siya na dapat na magalit o magdamdam sa sitwasyon ay nagawa na lamang itong tanggapin.

Vlogger, natulungan ang pamilyang ipagawa ang wasak nilang bahay

Upang mas maging malinaw ang nais nilang mangyari, paghaharapin ng programa sa barangay ang mga nasasangkot sa kontrobersyang ito.

Narito ang kabuuan ng video:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Isa sa mga maiinit na kasong idinudulog sa programa ni Tulfo ay ang pangangaliwa.

Kamakailan, bumagabag sa publiko ang isang sitwasyong inaksyunan ni Tulfo kung saan ang mismong asawa ng anak ang ginawang kabit ng ama.

Labis ang pighating nararamdaman anak na naagawan ng asawa at ng ina niya na niloko ng kanyang ama.

Mayroon din namang kaso na naidulog din sa 'Wanted sa Radyo' kung saan ang best friend ng anak ang sinasabing kabit ng ama.

Ang lahat ng mga sitwasyon o kasong ito sa programa ay isinasangguni sa abogado upang malaman ang kalagayan nito sa batas.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Hot:
Online view pixel