Intense! Misis, hinarap ang palabang nanay ng kabit ng kanyang mister

Intense! Misis, hinarap ang palabang nanay ng kabit ng kanyang mister

- Mas naging mainit pa ang rambulan sa pagitan ng pamilya ng isang misis na inireklamo ang pakikiapid ng asawa sa best friend ng kanyang anak at ni kabit

- Sa huling episode ng 'Raffy Tulfo in Action' ukol dito, nagharap na ang ina ng itinuturong kabit at si legit

- Nagkaroon ng sagutan sa pagitan ng dalawang ginang na parehong ipinaglalaban ang kani-kanilang pamilya

- Desidido naman si misis na sampahan ng patong-patong na kaso ang asawa maging ang umano'y kabit nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging kaabang-abang nga ang kaso ng mister na inireklamo ng kanyang misis matapos diumano'y makiapid at mabuntis ang matalik na kaibigan ng kanilang anak.

Sa huling episode ng programa ni Raffy Tulfo na 'Raffy Tulfo in Action' ukol dito, nagharap na ang complainant na si Mary Ann Lerio at ang ina ng itinuturong kabit na si Jeaneth Salis.

Ang intense! Misis, hinarap ang palabang nanay ng kabit ng kanyang mister

Screen grab from Raffy Tulfo in Action (Mary KL and Jeaneth)
Source: Facebook

Nagkaroon ng pagkakataong magkaharap ang dalawa matapos idulog ni Mary Ann sa barangay sa tulong ng RTIA ang reklamo laban sa mga Salis.

Ngunit tumanggi nang humarap ang ginang na si Girlie Salis sa barangay at sinabing handa ang mga itong humarap sa korte.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Itinanggi rin nito ang mga paratang ni Mary Ann na alam nila ang relasyon ng anak sa asawa nitong si Arlan Lerio.

Hindi rin daw nito alam kung nasaan ang anak na pinalayas umano nito matapos masangkot sa eskandalo.

Nagkaroon ng mainit na bangayan ang dalawang ginang dahil hindi kumbinsido si Mary Ann na walang alam si Girlie at ang asawa nito sa panloloko sa kanya.

Desidido rin si Mary Ann na ituloy ang kaso laban sa mister at sa itinuturong kabit nito na hindi pa nakukuhanan ng pahayag.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Matatandaang idinulog ni Mary Ann at ng anak nitong si Mary KL ang reklamo laban sa kanilang padre de pamilya matapos maaktuhan ni Mary KL ang kalokohan nito at ng kanyang BFF na si Jeaneth.

Ayon sa isang abogado, patong-patong na kaso ang haharapin ni Arlan at ni Jeaneth dahil sa kanilang ginawa.

Wala pang pahayag ang kampo ng lalaki at maging ang sinasabing kabit nito na matalik na kaibigan pa man din ng anak nito.

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel