Misis, pina-Tulfo ang mister na nangaliwa at pinatulan ang mismong hipag nito

Misis, pina-Tulfo ang mister na nangaliwa at pinatulan ang mismong hipag nito

- Nagreklamo ang isang misis matapos mahuli nitong niloloko siya ng kanyang mister

- Paliwanag ni misis, nangaliwa si mister at pinatulan nito ang mismong hipag niya

- Sabi naman ni mister, 20 years nang hiwalay ang kapatid niya at ang asawa nito

- Handa naman daw si mister humingi ng tawad sa misis niya at iwanan ang hipag niya

- Sinabi rin ng hipag na matagal na umano ito humingi ng tawad sa misis ni mister

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Isang misis ang nagreklamo sa Raffy Tulfo in Action matapos umanong mangaliwa ng mister niya at pinatulan ang sariling sister-in-law o hipag nito.

Nalaman ng KAMI na nangako naman si mister na magbabago na siya at iiwanan na nito ang hipag niya.

Misis, pina-Tulfo ang mister na nangaliwa at pinatulan ang mismong hipag nito

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

Sa YouTube video ng Raffy Tulfo in Action, inireklamo ni Maribel Serante ang mister niyang si Dominador Serante. May ebidensya umano si Maribel na naging kalaguyo ni Dominador ang hipag niyang si Judae Reyes.

Sekyu na dumidiskarte rin ng paglalako ng empanada, pinabilib ang maraming netizens

Paliwanag ni Dominador, 20 years nang hiwalay ang hipag nito sa kapatid niya. Pero, sinabi naman ni Tulfo na “nakakadiri” pa rin ito dahil naging asawa ito ng kapatid niya.

“Pero, sir, hindi ka ba nangdiri? Asawa ng utol mo ‘yan? Delicadeza na lang sana,” sabi ni Tulfo.

Handa naman daw si mister humingi ng tawad sa kanyang misis at nangakong iiwan na nito ang hipag niya.

Nakausap din nila Tulfo si Judae, ang hipag ni Dominador. Aniya, matagal na raw siyang humingi ng tawad kay Maribel. Itinanggi naman ni Maribel ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang ulat ng KAMI, uminit naman ang ulo ni Raffy Tulfo nang malaman ang kalokohan ng isang PWD matapos nitong mag-viral dahil sinaktan siya ng tricycle driver.

May mga nagsabing “loko” at mabisyo pa ang PWD. Marami rin umanong naperwisyo itong tao at may mga nagreklamo na sa kanya noon sa barangay.

Nurse na inahas ang mister ng pasyente niya, posibleng may kalagyan na

Samantala, humingi rin ng tulong noon kay Tulfo ang isang 67-anyos na barangay tanod matapos umano siyang bugbugin ng 7 na bakla.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel