Milyonaryang Pinay sa USA, reregaluhan ang 7 kapatid matapos ipa-Tulfo ang mga ito

Milyonaryang Pinay sa USA, reregaluhan ang 7 kapatid matapos ipa-Tulfo ang mga ito

- Humingi na ng tulong ang isang Pinay sa Texas, USA sa programa ni Raffy Tulfo upang makausap daw ang kanyang ina

- Sinasabing hindi raw ito ipinapakiusap ng kanyang kapatid sa kanya kaya labis ang pag-aalala niya at hinanakit

- Dumating pa umano sa puntong pinalabas daw umano ng kanyang mga kapatid na pumanaw na siya sa kanyang ina dala raw ng selos

- Kalaunan, nagka-ayos sila at nangakong magpapadala ng mamahaling regalo bilang pamasko niya sa mga kapatid

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Milyonaryang Pinay sa USA, reregaluhan ang 7 kapatid matapos ipa-Tulfo ang ito

Daisy Wells (Photo from Daisy Sanchez Wells Facebook)
Source: Facebook

Kahit nasa Amerika, dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo ang Pinay multi-millionaire na si Daisy Wells dahil sa ilang buwan na raw niyang hindi nakakausap ang kanyang ina

Nalaman ng KAMI na tinatayang nasa siyam na buwan na raw hindi nakakausap ni Daisy ang inang si Adeluisa Sanchez na kasama ng kanyang kapatid na si Elourde Sanchez.

25-anyos na call center agent, nakapagpundar na ng bahay sa loob ng apat na taon

Dumating pa raw umano sa puntong patago na niyang tinatawagan ang ina sa pamamagitan ng pamangkin at kinakailangan pa ng mga ito na lumabas ng kanilang bahay.

Dahil dito, labis na nag-aalala si Daisy sa kalagayan ng inang nakatira raw sa bahay na kanyang pinagawa sa Pilipinas.

Isa rin sa ikinasama ng loob ni Daisy ay nang makarating sa kanya ang larawan ng ina na iniiyakan ang kanyang larawang may nakasinding kandila.

Pinabulaanan naman ito ng kanyang kapatid na si Elourde na inaakusahan niyang nagbi-brainwash sa kanilang ina.

Ayon kay Elourde, wala raw katotohanan ang paratang ni Daisy sa kanya. Nakakausap naman daw nito ang kanyang ina sa pamamagitan ng video call.

Sinabi rin nitong bata pa lamang sila ay napapnsin na nila ang kakaibang ugali at personalidad ng mamaka-isa nilang babaeng kapatid.

Ang bahay na kanilang tinitirhan ay sa kanilang ama kaya may karapatan pa rin daw sila umanong manirahan doon.

Pamana ng isang inang apat na taon nang pumanaw, umantig sa mga netizens

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Nang kinausap din ni Tulfo ang ina nina Daisy na si Adeluisa, pinabulaanan din nito ang mga pahayag ni Daisy. Nilinaw din niyang ang larawang niyang iniiyakan ang litrato ni Daisy habang may nakatirik na kandila ay pawang katuwaan at "joke-joke"lamang daw iyon.

Samantala, sinabi naman ng multi-millionaire na Pinay na marahil ay nakararamdam ng inggit ang kanyang mga kapatid sa kanyang narating.

Mapatapos na mapakinggan ni Tulfo ang panig ng bawat isa, minabuti nitong pagbatiin na lamang ang mag-iina.

At dahil nagkalinawanagan na sila, tutuparin na rin daw ni Daisy ang isa sa mga hiling ng kanyang kapatid na motor. Hindi lamang isang kapatid ang kanyang bibigyan kundi lahat.

Ito na raw ang pamasko niya sa mga ito at mismong si Tulfo ang sisingil sa kanya kung hindi niya ito tototohanin.

Balut na bigay ng BF, naging alagang bibe ng kanyang nobya

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video:

Samantala, kamakailan lamang ay tinulungan ni Tulfo ang isang lolo na tanod na matapos na sawayin ang mga baklang nag-iinom, nagulpi pa siya ng mga ito.

Di lamang mga hinaing ng ordinaryong mamamayan ang natutugunan ni Raffy Tulfo. Katunayan, nito lamang nakaraang buwan, isa siya sa mga nagpaabot ng tulong sa dating action star na si John Regala.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Online view pixel