Seaman, pinerahan ng 500k ng GF na buntis; iba pala ang tatay ng bata

Seaman, pinerahan ng 500k ng GF na buntis; iba pala ang tatay ng bata

- Isang seaman na pinerahan ng halos kalahating milyon ng kanyang GF ang viral ngayon

- Sinabi ng GF ni Mark Joseph Rivera na siya ang ama ng ipinagbubuntis niya ngunit nalaman niya na hindi pala siya ang ama nito

- Namili pa ng mga damit ng baby at crib si Mark at nagbigay ng pera para sa panganganak nito

- Sa ngayon ay pinaghahanap ni Mark ang GF niya na naglaho na lang ng parang bula

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Dumulog sa tanggapan ng "Raffy Tulfo in Action" ang isang seaman na si Mark Joseph Rivera upang ireklamo ang girlfriend na si Joan Mae na nagpakilala bilang isang negosyante at accountant.

Nalaman ng KAMI na nagpakilala rin ito kay Mark na dalaga pero meron na pala itong apat na anak.

Sa kuwento ni Mark, una siyang inalok ni Joan na magtayo ng laundry shop pero hindi natuloy dahil hindi pa sapat ang pera niya para magsimula ng ganitong negosyo.

Pagsampa raw ni Mark sa barko ay doon sinabi ni Joan na buntis na siya, "Nung nasa barko na po ako, pinakitaan po niya ako ng pregnancy test na positive.

"Pati yung early stage ng pagbubuntis, yung ultrasound. Imbis na magduda ako, naunahan ako ng tuwa, siyempre sabik na rin ako maging ama."

Raffy Tulfo

Raffy Tulfo (Photo from Wikimedia Commons)
Source: UGC

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Sa kabuuan, umabot na sa kalahating milyon ang nakuha ni Joan sa kanya. Ang 400k ay napunta sa sinabi ni Joan na investment pero sa bandang huli ay wala rin pala.

Ang 100k naman ay binigay ni Mark kay Joan bilang pambili ng gamit ng bata at para sa kanyang panganganak na caesarean operation.

Sinabi rin ni Joan na patay na ang kanyang ina at isa na siyang ulila pero napag-alaman ni Mark na buhay pa pala ang ina nito.

Matapos makuha ang kalahating milyon kay Mark ay naglaho na lang itong parang bula.

Ang huling pag-uusap nila ay gusto siya idemanda ni Joan dahil ikinakaila raw niya na anak niya ang bata.

Pero may sapat daw na ebidensya si Mark na hindi siya ang ama ng bata at may mga ibang lalaki rin daw si Joan.

Ang huling balita raw ni Mark ay meron ng bagong boyfriend si Joan at sinasabi raw nito na hindi siya buntis.

Sinabi pa ni Mark sa bandang huli na, "Ready na po akong maging tatay, pinagsabi ko na pinagkalat ko."

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Rafael Teshiba Tulfo o mas kilala bilang Raffy Tulfo ay isang sikat na broadcast journalist na may radio program sa Radyo5 92.3 News FM na may pamagat na "Wanted sa Radyo".

Sa nakaraang balita, labis ang hinagpis ng isang Chinese national matapos siya umanong palayasin ng kanyang Pinay na asawa. Ang masakit pa dito, si Daniel Sun ang mismong bumili ng bahay. Matinding pang-iinsulto raw ang inabot ni Daniel sa mismong asawa niya at sa pamilya nito. Gusto lamang niya makuha ang kanyang anak pabalik sa China.

POPULAR: Read more news about Raffy Tulfo

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel