Pinay YouTuber at singer na si Mika Salamanca, inaresto sa Hawaii
- Inaresto ang vlogger at Pinay singer na si Mika Salamanca sa Hawaii
- Ito ay matapos niyang lumabag sa quarantine rule na 14-day self-quarantine para sa mga turista at umuwing residente
- Ilang mga videos ang nagpatunay na lumabas nga si Salamanca kasama ang kanyang mga kaibigan noong July 10, apat na araw matapos niyang dumating
- Inamin ito ni Mika sa isang vlog at inihingi ng paumanhin ang kanyang nagawa
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Inaresto sa Hawaii ang vlogger na si Mika Salamanca dahil sa paglabag sa 14-day self-quarantine na ipinapatupad para sa lahat ng turista at residenteng umuwi sa nasabing US state.
Ayon sa ulat ng KITV4 ABC Island News, dumating sa Hawaii si Salamanca noong July 6. Apat na araw matapos siyang dumating, napag-alaman ng Hawaii Tourism Authority (HTA) na lumabas siya kasama ang ilang mga kaibigan. Mayroon ding mga video na nagpapatunay na siya ay lumabas.
Kinumpirma din ng may-ari ng establisyemento kung saan namataan siya na pumunta nga doon ang Pinay social media personality.
Sa isang vlog ay inihingi ng tawad ni Salamanca ang kanyang nagawa at inamin na lumabas siya kaagad pagkarating niya sa Hawaii.
Katwiran niya, may mga law enforcers umano na pumunta sa kanyang bahay at nagsabing maari siyang lumabas sa kondisyon na negatibo ang resulta ng kanyang swab test.
Gayunpaman, nilinaw ng specia agents ng Investigations Division of the Department of the Attorney General na hindi sila nagbibigay ng ganoong statement.
May numero ding binanggit si Salaman na ibinigay umano ng mga officials.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
“None of my investigators would convey that information, as it is incorrect. The fact that Ms. Salamanca has so many followers makes her actions that much more dangerous and concerning," ani Attorney General Clare E. Connors.
"The spread of misinformation can have very severe consequences during an emergency situation like we are in now."
PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.
Inaresto si Mika sa Waipahu, O'ahu Hawaii. Nakapagpiyansa naman ang kanyang mga kaanak ng halagang $2,000 para siya ay makalaya.
Upang malabanan ang tuluyang paglaganap ng pandemyang dulot ng COVID-19, iba't-ibang alituntunin ang ipnatutupad sa maraming lugar sa buong mundo.
Maging dito sa Pilipinas ay ipinapatupad ang 14-day self-quarantine para sa mga taong kakarating lamang sa isang lugar. Maging ang mga taong may contact sa mga nagpositibo sa COVID-19 ay isinasailalim sa self-quarantine.
Matatandaang isa si Senator Koko Pimentel sa umani ng batikos matapos lumabas ang balitang pumunta siya sa isang pagamutan bago lumabas na positibo siya sa COVID-19.
POPULAR: Read more about Entertainment news here
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Source: KAMI.com.gh