Buntis na GF at nobyong inirereklamo dahil may kinakasama nang iba, magpinsan pala

Buntis na GF at nobyong inirereklamo dahil may kinakasama nang iba, magpinsan pala

- Dumulog sa programa ni Raffy Tulfo ang GF na nahuli sa akto ang nobyo na may binabahay na ibang babae

- Paliwanag ng nobyo, nakipaghiwalay na ang nobya sa kanya at mayroon din kasi umano itong ibang lalaki

- Depensa naman ng buntis na GF na sila ay mag-second cousin ng nobyo kaya aminado sila sa isa't isa na walang kahihinatnan ang kanilang relasyon

- Kakasuhan pa rin ng babae ang nobyo dahil sa nagawa raw nitong pag-iwan sa kanya sa kabila ng kanyang kalagayan kung saan dinadala niya ang kanilang ikalawang anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buntis na GF at nobyong inirereklamo dahil may kinakasama nang iba, magpinsan pala

Nasa larawan: Francel Queding, ang nobya na nagreklamo sa programa ni Raffy Tulfo
Source: Facebook

Humingi na ng saklolo sa programa ni Raffy Tulfo in Action ang buntis na si Francel Queding na nahuli sa akto di umano ang kanyang nobyo na may ibinabahay nang ibang babae.

Nalaman ng KAMI na nakunan ng video ang aktwal na pangungumpronta ni Francel sa bagong nobya ng kanyang boyfriend na si Shelord Gordon.

Depensa ng lalaki, nakipaghiwalay na sa kanya si Francel na nagawa rin daw di umano siyang lokohin sa pakikipag-chat nito sa mga foreigner.

Mariing itinanggi naman ito ng babaw at sinabing mga kaibigan niya lamang ang nakaka-chat.

Ang nakakagulat pa rito ay nang isiwalat ni Francel na magpinsan pala sila ni Shelord kaya aminado siyang hindi sila gaanong kaseryoso sa relasyon.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Second cousins daw sila at tinatago nila ang kanilang relasyon sa kanilang mga kaanak.

Subalit nagkaroon sila ng isang anak at ngayon ay nagdadalang-tao pa siya sa ikalawa nilang supling.

Sinabi pa ng babae na hindi raw umano nagsusustento si Shelord lalo pa na ngayon ay madaragdagan pa ang kanilang anak.

Hindi na nagkaayos pa ang dalawa at desidido pa rin si Francel na kasuhan ang kanyang dating kinakasama.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube channel ng Raffy Tulfo in Action:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel