Andi Eigenmann, muling umani ng papuri sa kanyang panibagong vlog

Andi Eigenmann, muling umani ng papuri sa kanyang panibagong vlog

- Panibagong YouTube video ang ibinahagi ni Andi Eigenmann para sa kanyang mga tagahanga

- Muli niyang pinakita ang kanilang simple ngunit masayang pamumuhay sa isla ng Siargao

- Makikita sa nasabing video kung paano naghanda ang magkasintahang Andi at Philmar para sa kanilang pagkain

- Muli ay marami ang humanga sa aktres dahil sa kabila ng kasikatan ay mas pinili nito ang masaya at simpleng pamumuhay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Hindi pa man nagtagal mula nang ibahagi ni Andi Eigenmann ang panibagong YouTube video niya, umani na ito ng libo-libong views at positibong komento mula sa mga netizens.

Sa panibagong video na pinamagatang "Catch, Clean & Cook: Our Favorite Pinaksiw!" ipinakita ni Andi kung gaano na siya nakapag-adjust sa buhay sa mala-paraisong isla ng Siargao.

Mismong si Philmar ay sumasama sa laot upang makapanghuli ng isda para sa kanila. Nakahiligan umano ito ni Philmar ayon kay Andi.

Matapos makahuli ng isdang sapat para sa kanilang ulam, tumulong si Andi sa paglinis ng mga ito para masimulan na niyang lutuin ang kanilang paboritong paksiw.

Andi Eigenmann, muling umani ng papuri sa kanyang panibagong vlog

Andi Eigenmann, muling umani ng papuri sa kanyang panibagong vlog
Source: Instagram

Aminado si Andi na noong bago pa lamang siya sa kanilang lugar, naisip niyang boring ang "paksiw" na maituturing niyang special food nila doon.

Pagbabahagi niya, nagbago din ang pananaw niyang iyon dahil sa suka nila soon na kanyang inilarawan bilang "the best suka."

Matapos malinisan ang isda, ipinakita ni Andi kung paano niya niluto ang paksiw gamit lamang ang mga simpleng sangkap.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Marami din ang nakapansin sa pagsasalita ni Andi ng Bisaya.

Narito ang ilan sa mga reaksiyon ng kanyang viewers:

"When you chose a simple life and seeing you a happy. Idol na idol kita. Always watching your vlog. I am smiling all-throughout."

"You are amazing because you really been adopted the lifestyle there on the small island. I salute you because you used to be a celebrity in our country you became a simple person now."

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Si Andi Eigenmann ay nakilala bilang isang aktres dahil sa kaniyang mahusay na pagganap sa mga pelikula at teleserye. Anak siya ni Jacklyn Jose at Mark Gil.

Sa kabila ng kanyang pagpili ng mas simpleng pamumuhay sa isal ng Siargao, lalo siyang sumikat at hinangaan ng mga tao. Sa katunaya, nag-viral kamakailan ang kanyang picture na may hawak siyang timba habang nakaangkas sa kasintahan.

Ibinahagi niya din ang kwento sa likod ng nag-viral niyang litrato.

POPULAR: Read more about Andi Eigenmann here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel