Chinese national, luhaan matapos bilhan ng 2 bahay ang Pinay na misis

Chinese national, luhaan matapos bilhan ng 2 bahay ang Pinay na misis

- Labis ang hinagpis ng isang Chinese national matapos siya umanong palayasin ng kanyang Pinay na asawa

- Ang masakit pa dito, si Daniel Sun ang mismong bumili ng bahay

- Matinding pang-iinsulto raw ang inabot ni Daniel sa mismong asawa niya at sa pamilya nito

- Gusto lamang niya makuha ang kanyang anak pabalik sa China

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Isang Chinese national na si Daniel Sun ang humingi ng tulong sa programa ng "Raffy Tulfo in Action" upang ireklamo ang kanyang asawang Pinay na si Rachel Atian.

Si Daniel at Rachel ay may dalawang anak at sila ay kinasal sa China.

Nalaman ng KAMI na ayon kay Daniel, sila lamang ay nagbabakasyon sa Pinas pero laking gulat niya dahil pinapalayas na siya ni Rachel at ng ama nito matapos niyang bilhan sila ng bahay.

Ayon pa kay Idol Raffy, "Para saaken, sarili kong opinyon ito mukhang kinakawawa nitong kababayan natin itong Chinese, palibhasa Chinese. Ba't ka kasi mag-aasawa ng Chinese tapos iinsultuhin mo lang, lolokohin niyo."

Watch the video below:

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

Ang gustong mangyari ni Daniel, makuha lamang kahit ang isa sa kanilang anak at hindi na raw siya maghahabol sa pera at bahay na binili niya.

Sa kalagitnaan ng video ay naiyak pa ang Chinese national dahil wala raw tumutulong sa kanya at napakahirap daw pa lang maging isang foreigner sa Pinas.

Bukod sa pagpapalayas sa kanya, madalas din daw siyang insultuhin ni Rachel at ng pamilya nito na nauuwi sa kanilang pag-aaway.

Depensa naman ni Rachel, sinaktan daw siya ni Daniel. Ito ay hindi itinanggi ng kanyang mister at nagawa raw niya ito dahil sa labis na insultong inaabot niya kay Rachel at sa pamilya nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Sa nakaraang report ng KAMI, isang bagong panganak na misis, buking si kabit at mister dahil sa TikTok.

POPULAR: Read more viral stories here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel