Misis, nagawang ipamigay ng asawa sa ibang lalaki dala ng kahirapan

Misis, nagawang ipamigay ng asawa sa ibang lalaki dala ng kahirapan

- Kwento ng babaeng mula Bulacan, nagawa umano siyang ipamigay ng kanyang unang asawa dahil wala na raw itong maipakain sa kanya

- Laking gulat ng vlogger sa mga naisiwalat pa ng babaeng bibigyan lamang sana niya ng grocery items dala ng matinding kahirapan

- Nakaranas din ng pang-aabuso ang babae sa kamay ng kanyang lolo na siyang naging dahilan upang mapaaga ang kanya noong pag-aasawa

- Wala silang trabaho ngayon ng kanyang kinakasama at sinisikap pa nilang buhayin ang tatlo nilang mga anak

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Tahasang ikinuwento ng ginang na si 25-anyos na si Mae Salangsawa na minsan siyang "ipinamigay" ng una niyang asawa sa ibang lalaki dahil sa kahirapan.

Ikinagulat ito ng vlogger na si Lorry Aquino Talita na ang pakay sa pamilya ni Mae ay matulungan sila lalo na nang malaman nilang walang trabaho ito at maging ang kanyang asawa.

Nalaman ng KAMI na sa pakikipagkwentuhan ng vlogger kay Mae, nabanggit nitong ikalawang asawa na pala niya ang kinakasama ngayon.

Nahirapan daw kasi siyang buhayin ng una niyang asawa kaya minabuti raw na ihabilin siya sa ibang lalaki.

Mabuti na lamang at hindi siya nagkaroon ng anak doon ngunit tatlo naman ang naging anak niya sa bagong asawa.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedbacks.

Naikwento rin ni Mae na nasasaktan siya noon ng kanyang lolo kaya na siyang dahilan ng maaga niyang pakikipisan sa asawa.

OFW daw ang kanyang ina ngunit hindi na sila inintindi nito lalo na ang lima pa niyang kapatid.

Ngayong kasama naman niya ang kanyang ikalawang asawa, mailap pa rin ang ginhawa ng buhay sa kanila.

Dating dispatcher ang mister niya ngunit dahil wala pang biyahe ang mga pampublikong jeepney, wala rin itong trabaho.

Gutom daw talaga ang ibaabot nila at madalas na isang beses sa isang araw lamang sila nakakakain.

Dumidiskarte na lang ng bantay parking asawa sa mga bukas na establisyimento kung saan kumikita ito ng isang daang piso na siyang pinagkakasya nila sa isang araw.

Labis na nadurog ang puso ng vlogger kaya binigay na niya ang mga dalang tulong na grrocery items para sa pamilya ni Mae.

Nangako rin siyang mangangalap pa ng tulong para kay Mae at sa pamilya nito at sa susunod na pagdalaw, ay ipaoa-check up nila ang apat na buwang gulang na bunsong anak nito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang kabuuan ng video mula sa YouTube Channel ni Lorry Aquino Talita:

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel