9-anyos na anak, nais ibenta ang mga nakamit na medalya para matulungan ang ina

9-anyos na anak, nais ibenta ang mga nakamit na medalya para matulungan ang ina

- Marami ang humanga sa malasakit ng isang siyam na taong gulang na batang lalaki sa kanyang ina ngayong panahon ng pandemya

- Napansin ng bata ang paghihikahos ng kanyang ina dala ng krisis ng COVID-19 kaya nag-isip ito ng paraan upang makatulong

- Dahil marami siyang gintong medalya na nakuha niya sa kanyang pag-aaral, naisip niyang ibenta na lamang ang mga ito

- Alam niyang nabaon sa utang ang kanyang ina kaya naman nais niya itong matulungan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Kahanga-hanga ang siyam na taong gulang na batang si Kenneth dahil sa pagmamalasakit niya sa kalagayan ng kanilang pamilya lalong-lalo na sa kanyang ina.

Nalaman ng KAMI na nais ibenta ni Kenneth ang kanyang mga natanggap na medalya sa pagiging mahusay na mag-aaral.

"Ayaw kong nahhirapan si Mama.Itong pandemic, sobrang hirap. Nabaon sa utang si Mama. Kaya naisip kong ibenta 'yung medals ko," ani Kenneth sa panyam sa kanya ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Dala kasi ng krisis dahil sa COVID-19, ramdam ng bata ang hirap na dinaranas ng kanyang ina na kinakapos na para sa kanilang gastusin.

Alam din ni Kenneth na maari raw umano silang mapalayas sa tinitirhang bahay kung hindi sila makabayad. Ito rin ang isa sa kanyang kinatatakutan.

Kaya naman naisipan niyang ipagbili na lamang ang mga medalya upang may kitain na siyang ibibigay niya sa kanyang ina.

PAY ATTENTION: Shop with KAMI! The best offers and discounts on the market, product reviews and feedback

"Pinaghirapan ko po makuha 'yung medals pero ayoko pong nahihirapan si Mama," emosyonal na sinabi ni Kenneth.

Wala na rin umano silang ama kaya naman mag-isa lang ang kanyang pinakamamahal na ina na nagtataguyod sa kanilang magkapatid.

Marami na raw silang pinagdaanang pagsubok at alam niyang malalampasan din nila ang pagsubok na ito dala ng pandemya.

Dahil sa kabutihan ng puso ng batang ito, umani siya ng papuri sa mga netizens na labis na humanga sa pagiging mabuting anak ni Kenneth.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

"So blessed mga batang ganito. Sana paglaki mo, maging blessed karin sa lahat ng bagay"
"Napakabuting anak naman ito.Matalino na nga mabait pa, maswerte ang kanyang nanay"
"Sa murang isip ay ganyan na sya, what more pa paglaki nya, sobrang proud siguro ang mama ng batang ito.. matalino na ay may mabuti pang puso"
"Literal na matalino tong batang to mapalibro man o sa totoong buhay"
"God bless .. balang araw pag naisip mo yan nangyari sayo mapapa smile ka nalang. Ganyan talaga ang buhay minsan may pagsubok."

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel