Lolo sa lansangan, ibinigay sa simbahan ang ₱3,000 na nalikom sa pamamalimos
- Marami ang bumilib sa kwento ni Fr. Hans Magdurulang ng San Felipe Neri Parish tungkol sa matandang pulubi na nagawa pang ibahagi ang perang naipon sa pamamalimos
- Inakala pa umano ng pari na isa sa mga humihingi ng tulong ang lolo kaya naman laking gulat niya nang ilabas nito ang isang bugkos na pera
- Ibinabalik man ng pari ang pera dahil sa maaring kailanganin pa ito ng matanda, ngunit tinanggihan niya ito at sinabing mayroon pa naman siyang naitatagong mga barya
- Binigyan din ng simbahan ang lolo ng makakain na maari niyang maiuwi bilang munting pasasalamat sa kabutihang namutawi pa rin sa kanya kahit isa siya sa mga nakararamdam ng matinding krisis ngayon
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Marami ang napaluha sa viral post ng San Felipe Neri Parish - Mandaluyong City tungkol sa matanda na nakuha pang ibigay sa simbahan ang perang naipon sa pamamalimos.
Ayon sa post ng nasabing simbahan, Abril 21 nang magpunta sa kanila ang lolo na nakilala nilang si Francisco Lopez.
Inakala pa nilang isa ito sa mga hihingi ng tulong kaya naman pinagbuksan nila ang matanda.
Agad daw nitong hinanap ang pari ng simbahan na si Fr. Hans Magdurulang.
Kinausap ni Lolo Francisso si Fr. Hans at sinabing nais niyang ibigay ang halagang ₱3,000 na kanyang nalikom mula sa ibinibigay sa kanya ng mga taong nadaraanan siya.
Doon nalaman ni Fr. Hans na isa palang taong lansangan ang matanda.
Laking gulat niya nang iniabot nito ang isang bugkos na pera.
Sa una'y tinanggihan pa umano ito ng pari sa pag-aaalala na baka wala namang panggastos ang matanda lalo na at dumaraan sa matinding krisis ang ating bansa dahil sa COVID-19.
Ngunit pilit pa ring ibinibigay ni Lolo Francisco at pera sabay pakita na rin ng mga baryang kumakalansing sa kanyang bulsa. Mayroon pa naman daw umanong natitira para sa kanya.
"Father, ibibigay ko lang po' baka kunin po kasi sa akin. Ibinigay ng tao sa akin ng mga dumadaan at gusto ko po ibigay kung saan po magagamit kasi baka kunin lang sa akin," paliwanag ng lolo kay Fr. Hans.
Nagulat maging ang mga kasamahan ng pari sa simbahan dahil malaking halaga ang tatlong libo para sa isang tulad ni Lolo Francisco ngunit mas ninais pa niyang ibahagi ito sa ibang nangangailangan.
Bilang pasasalamat, nagpabaon naman ang simbahan ng makakain kay Lolo Francisco at napansin din nila na wala itong suot na face mask kaya kanila na rin nila itong binigyan.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Inspirasyon na maituturing ang kwento na ito ni Lolo Francisco na sana ay mautawi sa puso ng bawat isa sa atin. Sa panahon ngayon na ang bawat isa ay may kanya kanyang pinagdaraanan dala ng COVID-19, nakakataba ng puso na ang isang tulad ni Lolo Francisco ay nakagawa pa rin ng kabutihan sa kanyang kapwa.
Walang ibang hangad ang mga netizens na nakakita ng kwento na ito ng matanda kundi ang kabutihan at kalakasan ng pangangatawan para kay Lolo Francisci at sana'y pamarisan pa siya ng marami.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
"Napakabuti ng puso ng taong ito. Malamang sa malamang, napakabuting pari rn ng kanyang nilapitan"
"Dahil para sa mga taong tulad na naniniwalang marami pang mas mahahalagang biyaya dito sa mundo kesa sa magkaroon ng limpak-limpak na salapi o mga materyal na bagay"
"Napakabuti nang kalooban inuuna ang mga taong mas higit na nangangailangan kaysa Sa sarili. Saludo po ako Sa inyo gabayan pa po kayo nang panginoon"
"God bless po kay tatay na nagawang magbigay ng tulong. Nawa ganun din gawin ng may mga may kaya sa buhay."
"God bless u sir .kung ano man ang reason mo at ibinigay mo kung ano meron sa yung sobra. Napakabuti mo."
"God Bless po tay, sana more blessings ang dumating saiyo at sa pamilya mo. isa ka pong magandang halimbawa na may mabubuti pang tao sa mundo na hindi nasisilaw sa pera."
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Ano nga ba ang mga benepisyo na nakukuha ng isang myembro ng 4Ps? Sino nga ba ang mga kwalipikado para sa programang ito? Karapat-dapat nga ba sila bigyan ng pondo?
4PS Member Replies To Critics, Explains Where Her Money Goes |
Source: KAMI.com.gh