Dating senador Heherson Alvarez, pumanaw dahil sa COVID-19
- Pumanaw na si dating Senator Heherson "Sonny" Alvarez dahil sa COVID-19
- Kinumpirma ng kanyang mga anak na namayapa na ang kanilang ama kaninang 12:56 ng tanghali, Abril 20
- Tulad ng senador, tinamaan din ang kanyang misis na si Cecile Guidote-Alvarez na bumubuti naman ang kalagayan
- Pareho silang sumailalim sa plasma therapy ngunit hindi ito napagtagumpayan ng 80-taong gulang na si Alvarez
PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!
Sumakabilang buhay na ngayong araw, Abril 20 si Former Senator Heherson "Sonny" Alvarez sa edad na 80.
Siya at ang kanyang misis na si Philippine Educational Theater Association (PETA) founder Cecile Guidote-Alvarez ay parehong nakipaglaban sa COVID-19.
Ayon sa CNN Philippines, pareho rin silang sumailalim sa plasma therapy na sinasabing nagpapabuti sa kalagayan ng isang COVID-19.
Sa kasamaang palad, tanging ang misis lamang ng dating senador ang umayos ang kalagayan.
Kinumpirma ng anak nilang si Xilca Alvarez-Protacio na namayapa ang kanilang ama bandang 12:56 ng tanghali ayon sa ulat ng ABS-CBN News.
Labis din daw ang kalungkutan ng misis nito nang malaman ang nakakalungkot na balita at hindi man lang daw siya nakapagpaalam sa kanyang kabiyak na nakatakda nang i-cremate.
Ito kasi ay isang protocol lalo na sa mga pumapanaw na COVID-19 patients upang hindi na ito nakahawa pa.
PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!
Taong 1987 hanggang 1998 nang manilbihan bilang senador si Alvarez.
Pinamunuan din niya ang Senate committee on environment sa loob ng sampung taon.
Matapos ang dalawang termino sa senado, naupo naman siya bilang congressman ng ikaapat na distrito ng Isabela mula 1998 hanggang 2001.
Pawang mga gawaing pagkalikasan pa rin ang kanyang tinutukan.
Isa lamang si Alvarez sa 19 na kumpirmadong pumanaw ngayong araw sa COVID-19.
Base sa pinakahuling tala ng Department of Health, 41 naman ang nadagdag sa mga naka-recover at 200 naman ang naitalang karagdagang kaso ng COVID-19.
Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!
Sobrang nag-viral ang post ni Cha Calubaquib tungkol sa pagbigay niya ng chicken sa Grabfood rider niyang si Kuya Andrew. Dahil na din na sa post na ito ay marami nang blessings na dumating kay kuya.
Marami Siyang Natanggap Na Blessings Dahil Sa Isang Viral Post | HumanMeter
Source: KAMI.com.gh