Jericho Rosales, kinaaliwan ng netizens sa isang throwback ng kanyang Mr. Pogi performance

Jericho Rosales, kinaaliwan ng netizens sa isang throwback ng kanyang Mr. Pogi performance

- Usap-usapan kamakailan sa social media ang isang video ng naging performance ni Jercho Rosales sa Mr. Pogi Grand finals

- Ito ay naganap noong taong 1996 sa noontime show na Eat Bulaga kung saan siya nanalo

- Matapos manalo sa nasabing patimpalak ay nagkaroon siya ng pagkakataon na pasukin ang mundo ng showbiz

- Isa si Jericho Rosales sa pinakahinahangaan na leading man sa kasalukuyan

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Marami ang naaliw sa pa-throwback sa performance ni Jericho Rosales sa kanyang Grand finals performance sa Mr. Pogi sa noontime show na Eat Bulaga.

Ito ang naging daan upang makilala siya at makapasok sa mundo ng showbiz. Nagmula man sa mahirap na buhay, napatunayan ng aktor na hindi hadlang ang kahirapan sa taong may pangarap.

Narito ang video ng kanyang introduction bilang isa sa mga finalist ng Mr. Pogi.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Narito naman ang reaksiyon ng mga netizens:

grabe lang the glow up? Super pogi niya na ngayon!
Hala, ang cute niya kahit nung medyo bata pa siya. Charming talaga si Echo!
He's already cute tho haay look at him now so gwapo haay
Hanggang ngayon, hindi pa rin kumukupas ang charm ni Papa Echo!

Si Jericho Rosales ay isang aktor, modelo at recording artist. Ikinasal siya sa kanyang si Kim Jones na isa ding kilalang modelo. Ilan sa kanyang mga teleserye na sumikat ay Pangako Sa 'Yo (2000–2002), Sana'y Wala Nang Wakas (2003–2004) at Dahil May Isang Ikaw. Naitambal siya sa ilang leading ladies kagaya ni Kristine Hermosa at Heart Evangelista.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

TikTok dance challenges are taking over social media. HumanMeter is on point as always asking passers-by to dance to famous songs together with our host Andre! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel