PH2828: Howie Severino ng GMA News, survivor ng COVID-19

PH2828: Howie Severino ng GMA News, survivor ng COVID-19

- Binahagi ng GMA broadcast journalist na si Howie Severino ang kanyang naging karanasan bilang si PH2828

- Isa raw siya sa maswerteng naka-recover sa COVID-19 sa kabila ng hirap na kanyang pinagdaanan

- Sa kanyang pagpapagaling, nakilala niya ang mga frontliners na kumalinga sa kanya sa ospital

- Doon din niya nakita ang kabayanihang ginawa ng mga ito sa panahon ngayon

- Kanya ring napagtanto ang kahalagahan ng suporta ng mga kaibigan, kaanak at mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng social media na kahit wala man ang mga ito sa tabi niya, naipadadama naman daw ng mga ito na hindi nag-iisa si Howie

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Buong tapang na binahagi ng isa sa mga broadcast journalist ng GMA News na si Howie Severino ang di malilimutang karanasan niya sa pakikipaglaban sa COVID-19.

Naisulat niya ang mahahalagang mga bagay na kanyang napagtanto sa pagkakaroon niya ng virus na kinatatakutan ngayon sa buong mundo.

Aminado siyang mahirap ang magkaroon ng COVID-19 ngunit ang intensyon daw ng pagbabahagi ng kanyang karanasan ay upang magbigay ng pag-asa.

Hindi raw nangangahulugang mamatay na agad ang taong may COVID-19.

Masasabi rin niyang isa siya sa mga maswerteng makakauwi pa sa kanilang bahay.

Sa pagkakaroon niya ng virus, nakita niya ang pagiging bayani ng mga frontliners sa labang ito kontra COVID-19.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Nakakausap niya ang ilan sa mga ito at labis siyang humanga sa mga sakripisyong ginagawa ng mga ito.

Nagpapasalamat din siya sa suportang pinadama ng kanyang mga kaibigan, kaanak at mahal sa buhay.

Sa pamamagitan ng social media, nakakausap niya ito at naiibsan ang hirap na nararamdaman sa pakikibaka sa bagsik ng COVID-19.

Matapos ang siyam na araw, naka-recover siya sa nakamamatay na virus.

Sa ngayon, handa siyang maging bahagi ng solusyon sa problemang ito kung totoo mang makagagamot ang blood plasma mula sa mga survivor na tulad niya.

Base sa huling datos ng Department of Health ngayong Abril 7, 84 na ang bilang nga mga gumaling mula sa COVID-19.

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Some simple, but very important hacks for those, who have the opportunity to work remotely.

9 Hacks: How To Be Effective When Working From Home | HumanMeter

Source: KAMI.com.gh

Authors:
Marisse Gulferica avatar

Marisse Gulferica