Isang tindero, namimigay ng libreng taho sa mga COVID-19 frontliners

Isang tindero, namimigay ng libreng taho sa mga COVID-19 frontliners

- Tampok ngayon sa social media ang isang tindero ng taho dahil sa kanyang kabutihan

- Kwento ng netizen, namimigay ng libreng taho ang tindero para sa mga frontline workers

- Giit ng tindero, makakatulong kahit papaano ang taho upang makabawi ng lakas ang mga nagbabantay sa checkpoint

- Maging ang mga netizens ay nabilib sa kabaitan ng tindero lalo na ngayong may banta ng COVID-19 sa bansa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Naging viral sa social media ngayon ang isang lalaking nagtitinda ng taho dahil sa kanyang ipinamalas na kabutihan.

Nalaman ng KAMI na namimigay ng taho ang isang tindero para sa mga frontline workers ngayong may banta ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon sa Facebook post ni Hannibal Talete, wala pang alas-7 ng umaga ay halos maubos na ang taho ni Mang Boyong.

Namimigay umano kasi ito ng libreng taho para sa mga frontliners sa checkpoint ng Valenzuela at Meycauayan, Bulacan.

Para kay Mang Boyong, mahirap ang magpuyat kaya kahit papaano ay makakabawi ng lakas ang mga magdamag na nagbabantay sa mga checkpoint.

Dagdag niya pa, 27 na taon na siyang nagtitinda ng taho sa may parte ng Valenzuela City.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa naman sa kabutihang ipinamalas ni Mang Boyong sa mga frontline workers.

“Ang bait ni mang Boyong....big salute sau..”
“Maraming salamat, Mang Boyong na sa kabila ng kakulangan niyo sa pinansiyal at materyal na bagay pero ginintuan naman ang puso niyo. Sana all sa mga mayayaman.”
“Wow God bless you Mang Boyong...”
“Napaka buti ng kanyang puso! Pagpalain po kayong lahat!”
“Kung sino pa mga walang wala..sila pa ung sagad tumulong. horayy sayu kuya godbless!”
“A simple acts means a lot para sa ating mga frontliners. Thank you so much manong. May God bless you more!”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

KAMI had a hilarious time with some Kapuso Stars who took on our Tricky Questions Challenge! Check out all of the exciting videos and celebrity interviews on our KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel