Charee Pineda, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

Charee Pineda, ikinasal na sa kanyang non-showbiz boyfriend

- Ikinasal na ang aktres na si Charee Pineda sa kanyang longtime boyfriend na si Martell Soledad

- Ikinasal ang dalawa sa isang civil ceremony sa city hall mismo ng Valenzuela

- Tumagal ng mahigit anim na taon ang relasyon nina Charee at Martell bago ikinasal

- Unang nakilala ang aktress bilang "sweetilicious" girl sa teen sitcom na "Let's Go" sa Kapamilya network

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Ikinasal na sa isang civil ceremony sa Valenzuela City Hall ang magkasintahang Charee Pineda at Martell Soledad.

Ang aktress na kasalukuyang City Councilor ng Valenzuela at kapwa politician na si Martell ay naging magkasintahan ng mahigit anim na taon bago ikinasal.

Si Martell ay dati ring nagsilbi bilang konsehal sa parehong siyudad.

Sa kanyang Instagram account, ibinahagi ni Charee ang ilang litrato na kuha sa kanilang intimate wedding na dinaluhan ng kanilang malapit na kaibigan.

Kabilang ang Kapuso actress na si Yasmien Kurdi at asawa nitong si Rey Soldevilla sa mga dumalo.

Matatandaang isinapubliko ng aktres ang kaniyang engagement kay Martell noong December 7 noong nakaraang taon.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Si Martell ay pinsan ng dating Valenzuela City councilor at TV personality na si Shalani Soledad-Romulo.

Ang aktres ay nauna nang na-engage sa kanyang naunang non-showbiz boyfriend noong 2012 sa edad na 21. Gayunpaman, hindi na nauwi sa kasalan ang kanilang relasyon na tumagal din ng tatlong taon.

Si Charee Pineda ay isang aktres at politician at naging isang artist ng Star Magic. Nauna siyang makilala bilang "sweetilicious" girl sa teen sitcom na Let's Go sa Kapamilya network.

Sa naunang ulat ng KAMI, kabilang si Charee sa mga celebrities na miyembro ng sorority.

POPULAR: Read more about entertainment news here

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Celebrity Tricky Questions: Human Meter asked random people to guess the celebrities by their eyes only. Click the play button and see if you can recognize your favorite Pinoy star by his/her eyes! Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel