Misis at kabit, kaswal lang daw habang namamasyal kasama si mister

Misis at kabit, kaswal lang daw habang namamasyal kasama si mister

- Hindi na napigilan pa ng OFW na si Alfredo ang maiyak sa harap ni idol Raffy habang ikinukwento ang panloloko sa kanya ng kanyang kumpare at ng misis

- Nagawa pa nga raw ng mga ito na magpanggap na kaswal lamang sa kanyang harap kahit na mayroon na palang relasyon ang mga ito

- Ayon dito, hindi niya inakala na magagawang ahasin ng itinuring na kapatid ang kanyang asawa

- Kwento pa nga ni Alfredo, humingi na raw ng tawad sa kanya ang kaibigan ngunit hindi naman daw nito tinigilan ang kanyang misis na tuluyan na palang nag-alsabalutan

- Kaya naman nais nitong makamit ang hustisya matapos siyang pagmukhaing tanga ng dalawa sa mahabang panahon

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Naiyak na lamang sa harap ni Raffy Tulfo ang OFW na si Alfredo Bustillo habang ibinabahagi ang ginawang panloloko ng kumpare at ng kanyang misis.

Nagawa pa nga raw ng mga ito na magpanggap na kaswal lamang sa kanyang harap kahit na mayroon na palang relasyon ang mga ito.

Ayon kay Alfredo, nadiskubre niya ang diumano'y panloloko sa kanya kaibigang si Carlo Peralta at ng misis na si Lanie nang hindi mabura ng lalaki ang mga larawan ng mga ito sa iWatch na naibenta ng lalaki sa kanilang kaibigan.

Sabi pa ni Alfredo, matagal nang may mga nagsasabi sa kanya ng tungkol sa diumano'y relasyon ng dalawa ngunit hindi niya ito napatunayan noon dahil sa kawalan ng ebidensiya.

Nagagalit pa nga raw ang mga ito sa tuwing tatanungin niya. Dagdag pa ni Alfredo, naniwala pa rin siya na hindi siya magagawang ahasin ng kanyang kaibigang si Carlo.

Pero nang mabuking niya ang affair ng mga ito, umiyak pa raw sa kanya si Carlo at nangakong titigilan na ang kanyang misis.

Hanggang sa malaman niya na tuluyan nang nag-alsabalutan si Lanie at diumano'y sumama na kay Carlo.

Hindi man matanggap ni Alfredo ang sinapit ng kanilang pamilya, nanindigan naman ito na kasuhan ang dalawa, lalo pa nga at kasal ito at si Lanie.

Samantala, hindi naman sumagot sa tawag ng programa ni idol Raffy sina Carlo at Lanie para magbigay ng kanilang panig.

Bukas po ang KAMI para kina Carlo at Lanie kung nais nilang magbigay ng pahayag kaugnay ng reklamo sa kanila.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Welcome to a new edition of our “Tricky Questions Celebrities” feature! This time, we will try to find out if these people will recognize famous celebrities through their smiles. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel