Pinay sa Saudi, naging emosyonal nang surpresahin ng mga amo sa bday niya

Pinay sa Saudi, naging emosyonal nang surpresahin ng mga amo sa bday niya

- Naging viral ang isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) dahil sa naging surpresa sa kanya ng mga amo niya

- Nagulat ang Pinay at naging emosyonal nang makitang may cake na hinanda ang mga amo niya sa Saudi Arabia para sa birthday niya

- Bukod pa rito, kinantahan din siya ng mga ito at niyakap na parang magkakapamilya lang sila

- Samantala, maging ang mga netizens ay natuwa rin sa kabaitang ipinamalas ng mga amo sa Pinay

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Tampok sa social media ngayon ang naging surpresa ng mga amo sa isang Pinay overseas Filipino worker (OFW) sa Saudi Arabia.

Nalaman ng KAMI na tila hindi inaasahan ng babae na may handang cake ang mga amo niya para sa kanya.

Pinay sa Saudi, naging emosyonal nang surpresahin ng mga amo sa bday niya

Larawan mula kay @mawthecat
Source: Facebook

Sa isang TikTok video na ibinahagi ni Bernadete (@mawthecat), makikita sa video na labis ang tuwa niya nang may makitang cake na naghihintay para sa kanya.

Kinantahan pa siya ng mag-asawang amo ng Happy Birthday sa Ingles at Arabic. Sa sobrang tuwa ay wala nang nagawa ang Pinay kundi ngumiti at yakapin ang amo niyang babae.

That’s y I love this family. Love love madam,” sabi ni Bernadete sa TikTok.

Pinay sa Saudi, naging emosyonal nang surpresahin ng mga amo sa bday niya

Larawan mula kay @mawthecat
Source: Facebook

Maaaring mapanood ang kanyang video rito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Samantala, labis din ang tuwa ng mga netizens dahil sa kabaitang ipinamalas ng mga amo sa Pinay na OFW. Narito nga ang kanilang mga komento sa TikTok:

“sana all employer same as u... Allah bless them. belated happy birthday kabayan. salute to sir and Madam.”
“Sana all nayayakap ang madam...”
“Belated hapoy birthday.. Ang swerte mo po sa amo mo.”
“hbd kabayan bait naman ng amo mo”
“Sana lahat Ng amo ganyan:sparkling_heart”
“they love you and appreciate you because definitely you are a pure and beautiful girl”

Please like and share our amazing Facebook posts to support the KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinions about our stories either. We love reading about your thoughts and views on different matters!

Exclusive Interview: How Did Kris Bernal And Perry Choi Meet? Let's find out how the famous Filipina actress Kris Bernal and her non-showbiz boyfriend Perry Choi met. Check out all of our videos on our KAMI YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel