Raffy Tulfo, naiyak dala ng awa sa mag-inang kasambahay na minamaltrato ng amo

Raffy Tulfo, naiyak dala ng awa sa mag-inang kasambahay na minamaltrato ng amo

- Di napigilan ni Raffy Tulfo na maluha nang makumpirma ang katotohanan sa reklamo ng mag-inang kasambahay na dumulog sa kanya

- Matindi ang pagmamalupit na ginawa ng amo na sa 20-anyos na kasambahay gayundin sa ina nito

- Sa umpisa'y pilit pa ring itinatanggi ng amo ang mga akusasyon sa kanya ngunit nang lumabas ang resulta ng medical examination na mula sa Camp Crame, doon nalaman ang kalunos-lunos na ginawa ng amo sa mga kasambahay nito

- Tutulungan ni Raffy Tulfo ang mag-ina na masampahan ng kaso ang malupit na amo

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed!

Nadurog ang puso ni Raffy Tulfo nang malaman ang pagmamalupit na ginagawa sa nagreklamong mag-inang kasambahay na sina Rhea Tubia at nanay nitong si Angela Tubia.

Sa isinagawang medical examination ng Camp Crame, nakumpirma ang tindi ng pananakit na ginawa ng amo na si Trifona Selma sa mga kasambahay.

Itinatanggi pa nito ang mga akusasyon ngunit giit ni Tulfo na napakabigat na ebidensya ang mga resulta ng isinagawang physical exam sa mag-ina lalo na sa 20-anyos na anak na madalas mabugbog nito.

Kalaunan ay humingi na rin ito ng tawad sa mag-ina ngunit sa tindi ng pinagdaanan ng mga kasambahay hindi nila magawang patawarin ang amo.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Maging si Tulfo ay duda sa sinseridad ng paghingi ng tawad ni Trifona sa mga dating kasambahay dahil sa wala raw luha na lumalabas sa mga mata nito.

Nangako rin si Tulfo na di niya pababayaan ang mag-ina at itutuloy nila ang kaso laban kay Trifona at sisiguraduhin daw niyang makakamit ng mag-ina ang hustisya.

Dahil sa nalaman din ni Idol Raffy na nakatungtong naman pala si Rhea ng kolehiyo, tutulungan din ng host na magkaroon ng trabaho o sariling negosyo si Rhea upang di na mamasukan.

Narito ang kabuuan ng episode na nagpaluha kay Tulfo:

How well do you know the smile of your favorite Pinoy celebrity?

Tricky Questions Celebrities: Guess The Star By The Charming Smile | HumanMeter

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel