Raffy Tulfo, napikon sa OFW na inireklamo ni mister ng pangangaliwa

Raffy Tulfo, napikon sa OFW na inireklamo ni mister ng pangangaliwa

- Hindi naiwasan ni Raffy Tulfo ang mapikon sa isang OFW na inireklamo sa kanyang programa

- Lumapit kasi kay idol ang mister nito na inireklamo ang pakikiapid ni misis sa isang dayuhan

-Katunayan ay mismong ang foreigner, na isang Bangladeshi pa raw ang nagpadala ng mga ebidensiya kay mister

- Ngunit depensa naman ni misis, si mister ang naunang mangaliwa

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Hindi napigilan ni Raffy Tulfo ang mapikon sa isang OFW na inireklamo sa kanyang programang Wanted sa Radyo.

Sa kabila kasi ng pakikiapid ni misis na si Hilda Sisno sa isang dayuhan kahit pa mayroon na itong pamilya sa Pilipinas ay handa pa rin itong tanggapin ng asawa.

Mismong ang Bangladeshi pa raw ang nagpadala ng maseselang video nila ng asawa ayon kay Enrique.

Nais na lamang sana ng mister nito na si Enrique Sisno na mapauwi ang asawa dahil nag-aalala sila ng pamilya nito na baka mapahamak ito sa Singapore kung saan ito nagta-trabaho.

Ngunit si misis, tumanggi pa na umuwi dahil kasisimula pa lang daw nito sa bagong kontrata nito.

Hindi rin daw kaya ni mister na pag-aralin ang kanilang mga anak.

Giit pa nito, matagal na rin daw tapos ang relasyon nito sa Bangladeshi.

Si mister din daw ang naunang nangaliwa na inamin naman ni Enrique.

Pero si idol Raffy, hindi natuwa sa mga dahilan ni misis para hindi ito makauwi.

Tila raw kasi ginagawa silang grade one ni misis dahil sa mga palusot nito.

Pinapili pa ni mister ang asawa kung uuwi ito o sasampahan ito ng kaso ng una.

Ngunit humiling si misis na sana ay tapusin ang kanyang bagong kontrata.

Dahil dito, nagdesisyon si mister na ituloy na ang kaso laban kay misis upang mapauwi na ito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Pennywise Prank Causes Rather Weird Reactions

Did you behave yourselves, kids? Pennywise walking in the streets of the Philippines holding red balloons and unexpectedly appearing in front of passers-by. Some reactions are rather weird! KAMI HumanMeter YouTube channel!

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel