Anak ng magsasaka, isa sa mga nanguna sa Board Exam

Anak ng magsasaka, isa sa mga nanguna sa Board Exam

- Matagumpay na nakapagtapos ang isang lalaki mula sa Camarines Sur na isa sa mga nanguna sa Agricultural Engineering Board Exam

- Ang lalaki, anak ng isang magsasaka at Barangay Secretary sa kanilang lugar

- Inabot pa nga raw ng walong taon sa halip na limang taon ang kanyang pag-aaral dahil sa ilang problema

- Marami namang netizens ang pumuri sa pagpupursige at pagtatyaga nito

PAY ATTENTION: Click "See First" under the "Following" tab to see KAMI news on your News Feed

Top six sa nakaraang Agricultural Engineering Board Exam ang anak ng magsasaka at ng isang Barangay Secretary sa San Fernando, Camarines Sur.

Pinahanga ng 25-anyos na si Bryan Eric Olitoquit ang marami sa kanyang pagpupursige at pagtatyaga na makapag-uwi ng karangalan sa kanyang mga magulang.

Ayon naman sa ulat ng GMA News kung saan naitampok din si Olitoquit, hindi naging madali ang lahat para sa binata.

Dahil sa halip na limang taon ay inabot ng walong taon sa kolehiyo si Olitoquit dahil sa ilang subject na hindi naipasa.

Nagkaroon din daw ng problema sa kanyang thesis.

Pero sa kabila ng mga ito ay matagumpay na nakapagtapos pa rin si Olitoquit at isa pa nga sa nanguna sa Board Exam.

Napag-alaman naman ng KAMI na nagtapos ang binata sa Central Bicol State University of Agriculture.

Maraming netizens ang humanga sa husay nito at siyempre pa ang hindi nito pagbigo sa mga magulang na paniguradong proud na proud dito.

PAY ATTENTION: Enjoyed reading our story? Download KAMI's news app on Google Play now and stay up-to-date with major Filipino news!

Please like and share our Facebook posts to support KAMI team! Don’t hesitate to comment and share your opinion about our stories either. We love reading about your thoughts!

Check out the latest episode of our Tricky Questions segment as we asked some students to translate Tagalog sentences into English! Their responses were absolutely crazy and hilarious! You can watch all of our exciting videos – on KAMI

Source: Kami.com.ph

Mailfire view pixel